Present
CALLI'S POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nangagaling sa bintanang nalimutan kong isara kagabi.
Kakamulat ko pa lang pero andami na agad umo-okupa ng isip ko.
Sobrang daming nangyari nitong mga nakaraang araw.
Pagbalik ng mga alaala ko at yung tungkol sa kakambal ko.
Nangyari yon nung isang gabi. Sumakit ng todo yung ulo ko, parang sasabog dahil sa dami ng alaalang bumalik sa isip ko. Mula nung nakidnap ako nung kabataan ko, hanggang sa pagtakas at pag-abot ko sa natatandaan kong address namin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Thankfully, nandon si Aletheia. Right from the start, alam na niya na hindi ako yung Calli na inaakala ng lahat.
Alam niyang hindi ako si Isla, dahil nasa puder niya si Isla ngayon.
Nagulat siya ng makarating yung balita sa kaniya na buhay ako, pero dahil nga naikuwento na sa kaniya ng kakambal ko yung tungkol sa totoong nangyari, bumalik siya ng Pilipinas dahil alam niyang delikado yung lagay ko. Dahil yung may pakana ng lahat ng 'to ay malaya pang nakakalabas-pasok mismo sa bahay at buhay ng pamilya namin.
Hindi rin siya magtatagal dahil kailangan niyang bumalik sa ibang bansa. Dahil nandon ang kapatid ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang imulat ang mga mata niya.
Magiging risky rin kung sakaling sumama ako dahil baka makahalata si Ninong Robert at pasundan ako. Alam ko na nasa paligid lang yung mga tauhan niya kaya hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.
Malaking pasasalamat ko talaga kay Aletheia dahil ang tanging dahilan ng pag-uwi niya dito ay para sa oras na bumalik yung alaala ko ay hindi ako maguluhan at nandito siya para malinawan ako sa lahat ng nangyayari.
Hindi ako galit sa kakambal ko. I would never hate someone na alam kong walang kasalanan. Una pa lang, hindi niya ginusto yung nangyari sa kaniya. Along the way, mas pinili niyang unahin yung pamilya niya kahit na alam niyang maging buhay niya magiging delikado kapag sinuway niya yung utos ni Ninong.
Naiintindihan ko kung bakit mas pinili niyang harapin lahat ng mag-isa, unang-una sa lahat, malaking tao ang babanggain niya, wala pa siya sa posisyon kung saan magagawa niyang pantayan yung kakayahan ni Ninong lalo na kaunting pagkakamali lang ay pwede ring mapahamak maging ang pamilya namin.
Kailangan ko ring magpanggap na hindi pa tuluyang bumabalik yung maga alaala ko dahil masyadong delikado at iyon din ang magiging hudyat ni Ninong para tapusin ako.
Matapos magpakawala ng buntong hininga ay nagtungo na rin ako sa banyo para mag-ayos.
_____________
"You're up, tara kain na." Bungad sa'kin ni Jullie pagkababa ko.
"Good morning." Bati ko sa mga nasa hapagkainan.
Apat lang kami, kami ng kapatid ko, si Lea at si Aletheia.
Nginitian ako ni Aletheia bago isensyas na sa tabi na niya ako umupo.
"Laman ng fyp ko yung 299 pesos na engagement ring. Anong opinyon niyo don?" Basag ng kapatid ko sa katahimikan.
"It's not really a big deal for me, as long as it came from the person I want to spend the rest of my life with? Then, I'm all good." Paunang sagot ng katabi ko.
"Tama, yung iba nga aanakan ka tapos matik deretso kasal na e, wala ka ng kawala." Muntik akong masamid sa sagot ni Lea.
"But would you really settle for less? They're proposing, meaning they should be financially stable before settling down with you, no?"
![](https://img.wattpad.com/cover/359206042-288-k440622.jpg)