CALLI'S POV
"Wow.." Manghang pinagmamasdan ni Lea ang mga nagtataasang gusali na nadadaanan namin.
Nagpahatid kami kay Kuya Roy dahil wala sa amin ang pwede at marunong mag drive. Baka rin kasi hindi na 'ko ang mag-isang matulog ng ilang taon. O baka naman wala ng tuluyang gumising kung sakaling may aksidente na naman na mangyari.
"Kuya, dito nalang po kami bababa. We'll find our way to the hotel. Meron din kasi akong gustong bilhin."
Nakakita kasi ako ng shop na puro sweets ang tinda. Jullie have a sweet tooth, s'ya agad ang sumagi sa isip ko nung makita ko yung shop. Para rin hindi kami pumunta sa kan'ya ng empty-handed.
Bumaba na kami ng tuluyan ni Lea matapos magpaalam kay Kuya Roy.
Binuksan ko yung pinto bago paunahin pumasok yung kasama ko.
"Dito ka na muna, may gusto ka bang subukan dito?" Turo ko sa menu list na nakalagay sa ibabaw ng table kung saan ko muna pinaupo si Lea.
Matagal itong nakipagtitigan sa menu pero mukhang wala s'yang mapili.
At ayon nga, tama ang hinala ko. Tumingala ito sa akin at humaba bigla ang nguso.
Higitin ko kaya?
Natatawa na lang ako sa mala-bata niyang asta. Baby na baby rin kasi s'ya ni Manang Fe dahil nag-iisang anak.
"O'sige, ako na bahala."
Pumunta na 'ko sa counter at pumili ng mga bibilhin.
Maya-maya ay may sumulpot na dalawang empleyado ata nitong shop.
"Ma'am, good afternoon po. Meron po kasi kaming promo ngayon dahil 'Araw ng mga Puso' kung pwede po, hihingi lang kami ng konting minuto. Para ho ba sa babaeng kasama n'yo 'yan?"
Bago pa man ako makasagot ay muli silang nagsalita.
"Hin—"
"Tamang-tama po, meron po kaming libreng set ng cookies para sa mga couple na customer. Kailangan lang po namin kayong kuhanan ng litrato para ma-post namin sa social media account nitong shop."
"Per—"
"Miss!" Masiglang bati nung isang empleyado sa may likuran ko.
Si Lea, hinigit na pala papunta dito nung isa pang empleyado.
Ang daming empleyado ha, sana ma-bankrupt. Hindi marunong makinig sa customer.
"Ma'am, pinabibigay po pala ng kasama n'yo." Abot nila nung box ng cookies kay Lea. May kasama pa ngang tatlong piraso na pulang rosas.
Tumingin naman ito sa'kin na para bang sobrang bait kong tao, na parang binigyan ko s'ya ng house and lot sa sobrang generous ko.
Alanganin akong umiling, pati ang kamay ko'y nawagayway na rin, inaasahang makuha nito ang pinupunto ko.
Pero parang kidlat din kumilos ang mga empleyado at pinagdikit kaming dalawa ni Lea.
Maya-maya ay nakarinig na lang ako ng tunog ng camera. Nakuhanan na agad kami ng litrato.
Sabik pa nilang ipinakita ang litratong kinuha nila, para akong tanga na nakatayo lamang habang si Lea ay nangingilid pa ang mga luha.
Wala na akong nagawa kung hindi ibigay ang panyo ko sa kan'ya na agad n'yang siningahan na baka pati utak n'ya nadala sa sobrang lakas.
Ibabalik pa sana nito ulit sa akin pero umiling na lang ulit ako at sinabing kan'ya na yon. Remembrance ba.
"Maraming salamat po sa pagpunta. Sana magtagal pa po kayong dalawa, mga ma'am." Nabalot naman ng palakpakan ang paligid, kakaunti ang customer kaya siguro ganon na lang sila ka-issue para lang may masali sila sa promo nila.