CALLI'S POV
Andito kami sa penthouse na pagmamay-ari ng kapatid ko. She's in front of me, looking everywhere but to my direction.
Yung bata na kasama n'ya kanina, nakatulog na rin dahil sa pagod kakaiyak.
Pinauna na muna namin sa kwarto si Lea para bantayan yung bata, para rin makapag-usap kami ng maayos.
Sinalubong ako kanina ng yakap nung bata habang humahagulgol, paulit-ulit binabanggit yung salitang 'Mama'
"Pwede mo bang ipaliwanag kung.. kung ano man yung nakita ko kanina?"
Marami akong gustong itanong pero wala rin mangyayari kung uunahin ko ang galit o kung ano man 'tong nararamdaman ko.
Walang maaayos na problema sa magulong usapan.
Alam ko rin na kung ano mang dahilan ang meron ang kapatid ko, ay alam kong para pa rin yon sa ikakabuti ko, considering my situation.
Huminga muna s'ya ng malalim bago alanganing sinalubong ang tingin ko.
"I.. i know it's all messed up. Alam kong magulo, ayoko rin ma-trigger yung alaala mo pero, I'll tell you everything because you deserve to know the truth."
FLASHBACK
JULLIE'S POV
It's been almost a year simula nung ma-involve yung kapatid ko sa aksidente. Car accident, they said..
Ipinaliwanag ng doctor na masuwerte si Calli na hanggang ngayon ay may heartbeat pa at humihinga pa considering how worse the accident was.
Nagtataka pa nga sila kung bakit nabuhay pa ang kapatid ko..
Cruel, right?
But who can blame them? Dumating kami sa lugar kung saan nangyari ang aksidente at makikitang talagang nasa paligid yung mga car parts na sinasakyan ng kapatid ko. Halos hindi mo na makikita kung kotse, van o kung ano man yung sasakyan dahil sa sobrang damage na nagawa ng aksidente, lahat kulay abo na dahil sa pagsabog na naganap.
Yung driver ng nakabanggaan n'yang truck, binawian na rin ng buhay ng oras na matagpuan sa loob ng sasakyan n'ya.
Ngayon, halos mag-iisang taon na s'yang payapang natutulog sa kwartong 'to.
Natauhan ako ng biglang pumasok ang si Doctor Gomez, ang pinakamagaling na doctor na pwedeng makuha ng magulang ko.
"You wanted to talk to us?" Lumapit at naupo kami sa sofa, hinihintay ang sasabihin ng doctor.
Mom and Dad's here, as well as Sienna. Calli's wife. They were like other typical college couple na nagkaroon ng happy ending sa simbahan.
They have a 1 year old daughter, Lilliane na naiwan sa bahay ng parents ni Sienna. Iyak din kasi ito ng iyak kapag nakikita n'ya na natutulog at hindi n'ya magising ang mama n'ya.
Bakas din sa mukha ng lahat ang pagod at puyat. Walang umaalis sa tabi ni Calli. Kung minsan salitan, ang pinakamadalas dito ay si Sienne. I can also see the tiredness under her puffy eyes, she's like that. Mukhang walang emosyon but when no one's around, she'll be the most vulnerable person you'll ever know, especially when she's with my sister.
Hindi man nila sabihin ay alam kong nagkakaroon na rin ng problema ang marriage nila.
Napakaraming pagsubok na kung hindi ko sila kilala? Hinding-hindi mo mahahalata.