Chapter 4.

20 3 0
                                    

Ysla's POV.

"RESEARCH DEFENSE?!?! WHAT THE FUDGE?!" Biglang sigaw ng isa kong kaklase.

"Luh? Oa ka 'te?" Tanong ko sa kaniya.

"Palibhasa ikaw matalino! Paano naman akong bob—" Pinigilan ko siya sa pagsasalita.

"Hindi naman 'to individual, by group 'to." Sagot ko naman sa kaniya. Agad na bumakas ang ngiti sa mukha niya.

"Oh! Magpapabuhat nalang ako sa mga ka-groupmates ko." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano ka elementary? highschool? College ka na 'te, hindi uso ang pabigat dito, sabay sabay tayong magluluksa." Sambit ko naman sa kaniya.

"Ysla, may naghahanap sayo." Kinalabit ako ng isa kong kaklase dahil may naghahanap daw sa akin.

"Ha? sino? gagi, hindi ako sumali sa paluwagan." Sambit ko naman. Tumawa lang siya at itinuro kung sino ang naghahanap sa akin.

"Luh? 'Di ko kilala 'yan, Laine."

"Eh hinahanap ka eh. Tanungin mo nalang, malay mo manliligaw mo ehe."

"Tanga." Sagot ko nalang. Lumabas ako ng room at pinuntahan ang babaeng naghahanap sa akin.

"Hello po, hanap niyo daw po ako? sino po sila?" Tanong ko. Ngumiti muna ito sa akin bago nagsalita.

"Ah hello, i'm Reese, kaibigan ako ni Luna. Anyways, may itatanong daw sayo si Luna." Sagot niya naman.

"Huh? ano daw po 'yon?" Tanong ko ulit.

"Ewan ko rin eh, pinatawag ka lang naman sa akin." Luh? attitude? Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa room nila. Natanaw ko si Luna na parang hinihintay kami.

"Hoy Luna! Nandito na oh." Sigaw ni Reese. Napatingin sa amin si Luna at agad na lumapit.

"Thanks Reese. Pwede ka ng umalis." Ay? pagkatapos utusan ganoon lang? Angas nito ah.

"Ysla, may I ask you something?" Panimula ni Luna.

"Yeah sure." Wow kabog, baka englishera 'to.

"Are you free in Saturday? We have project kasi and need naming mag-interview ng freshmen here in our university. If that's okay with you, are you willing to get interview?" Tanong niya sa akin. Shet! Pangarap ko na 'to, ang mag-feeling artista dahil may nag-iinterview sa akin.

"Sure! Free naman ako." Mabilis kong sagot.

"Good to know. So, I will be interview you on Friday. Thank you Ysla, i'm sorry if I bothered you." Ngumiti siya sa akin.

"No problems, Moon."

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now