Chapter 1.

106 3 0
                                    

Luna and Ysla.

Ysla's POV.

"Ysla, gumising ka na, uwian na." Agad akong nagising dahil sa bulong na 'yon, nang iangat ko ang aking ulo ay nakita ko nga ang mga kaklase ko na nagsisiuwian na.

"Oh, thanks Ziah. Bye bye." Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng room. Shit, nakatulog ako, 4 hours lang ba naman ang tulog ko kagabi, puyat na puyat ako.

Bumaba na ako ng building namin at mula sa kalayuan ay may natanaw ako na isang babae.

Agad kong binilisan ang paglalakad ko upang maabutan ko siya.

"LUNA!" Sigaw ko. Agad naman siyang tumingin sa akin at hinintay ako na makalapit sa kaniya.

"Hi Ysla, are you okay?" Tanong niya agad sa akin.

"Ah oo naman, bakit?" Sagot ko naman sa kaniya. Tumingin siya sa buhok ko at natawa lang.

"Ay sorry, nakatulog kasi ako kaya ganiyan yung buhok ko. Pagpasensyahan mo nalang." Agad ko namang inayos ang buhok ko. "Sabay na tayong umuwi?" Tanong ko kay Luna. Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Sure."

Si Luna ay isang matalik ko na kaibigan. Nagkakilala kami noong nakaraang buwan lang ngunit napaka-komportable ko na sa kaniya.

Nakilala ko siya noong lumipat sila ng bahay, magkalapit lang kasi ang bahay namin at ang nilipatan nila kaya naman nakipag-kaibigan na ako sa kaniya. Bukod kasi sa wala akong kaibigan dito, gusto ko rin talagang mapalapit sa kaniya.

"Kamusta naman ang tulog mo? Ang lakas mo ah, nakakatulog ka sa room niyo." Biglang sabi niya. Napatingin ako sa kaniya at natawa.

"Ayos lang naman, puyat kasi ako kagabi kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina. Ginising lang ako ng kaklase ko kanina." Sagot ko naman sa kaniya.

"Ganoon ba? Sa susunod kasi huwag ka ng magpupuyat, baka mahuli ka ng professor niyo sa susunod." Sambit niya habang tumatawa.

"HAHAHA susubukan ko, marami rin kasing ginagawa kaya hindi maiwasang magpuyat." Nagtuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay nila.

"Ysla, una na ako ah? Ingat ka." Tumango naman ako at ngumiti.

"Sige, bye bye Luna." Kumaway ako sa kaniya at ngumiti, siya naman ay tumango at ngumiti rin.

"Bye bye." Sinara niya na ang gate nila habang ako naman ay naglakad na pauwi sa amin.

Agad na bumakas ang ngiti sa mukha ko nang makita kong sumasalubong ang aso kong si Chichi.

"Hi Chichi! I miss you!" Agad kong sinalubong si Chichi at hinawakan siya.

"Kumain na ba ang baby ko na 'yan?" Syempre hindi ako sinagot ni Chichi. Tuloy lang siya sa pagdamba sa akin at pagsalubong.

"Wait lang Chichi, ipapasok ko lang 'tong gamit ko." Tumayo ako at sinubukang buksan ang pinto ng bahay namin ngunit naka-lock.

"Huh? Bakit naka-lock?" Kinatok ko ng malakas ang pinto namin at sumigaw.

"HOY! BUKSAN MO 'TO!" Baka gumala na naman yung kapatid ko? Tsk.

"SABI NG BUKSA—"

"Calm down Ysla, nandito yung susi niyo." Agad akong tumingin kung saan nanggaling ang boses na 'yon at nakita ko si Luna.

"Luna, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

Naglakad siya papalapit ngunit bago pa man siya makalapit sa akin ay sinalubong muna siya ni Chichi.

"Hi Chichi." Sambit niya at nagtuloy sa paglalakad.

"Umalis daw yung kapatid mo at pinaiwan kay mama yung susi ng bahay niyo, eto oh, hinatid ko na para sayo." Sambit niya at iniabot sa akin ang susi ng bahay namin.

"Ay haha.. thank you, Luna." Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto.

"Hindi ba nagpaalam sayo yung kapatid mo?" Tanong sa akin ni Luna. Umiling ako at sumagot.

"Hindi eh. Kahit text, wala." Sagot ko. "Pasok ka muna, Luna." Pag-aaya ko sa kaniya at pumasok siya ng bahay namin. Tinignan ko ang mga kwarto at hindi ko nga nakita ang kapatid ko. Tsk, naglakwatsa na naman 'yon.

"Uhm Luna wait lang ah? magbibihis lang ako." Sambit ko. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.

Nagpunta na ako sa kwarto ko at 'saka nagbihis. Nagsuot lang ako ng oversized t-shirt at pajama.

"Luna, gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita." Tanong ko kay Luna nang makalabas ako ng kwarto.

"Yes, thank you." Sagot niya. Kumuha na ako ng dalawang baso at nagtimpla, syempre magkakape rin ako. Nang matapos, inilapag ko sa mesa ang kape at kumuha naman ng biscuit at tinapay.

"Eto oh, meryenda ka muna Luna." Inabot ko sa kaniya ang kape at ang biscuit.

"Thank you Ysla." Sabay kaming nagmeryenda na may kasamang kwetuhan.

"Nga pala, nabanggit ba ng kapatid ko kay Tita kung saan siya pumunta?" Tanong ko kay Luna.

"Sabi daw ng kapatid mo pupunta lang daw siya sa mga kaibigan niya." Sagot niya naman.

"Ah... naggala pala ulit 'yon, tsk." Sambit ko naman.

Natapos na kami sa pagmemeryenda at tumayo na siya.

"Sige na Ysla, uuwi na ako sa amin. Thank you ulit sa meryenda." Tumayo naman ako at tumango.

"Sige, babye, walang anuman Luna." Naglakad na siya paalis at lumabas na ng bahay.

"See you tomorrow, Ysla."

"See you tomorrow, Luna." Ngumiti siya sa akin at kumaway. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.


DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now