Chapter 6.

17 3 0
                                    

Author (Azyre): Hello everyone, life update: Wala pang nasisimulan na school activities, patapos na ang bakasyon😃.  Dear 2024, sana maging magaan na ang lahat!

Magbabagong taon na pero nandito pa rin ako, stay bading🌈

^•^•^•^•^•^•^•^•^•^°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Ysla's POV.

Scroll lang ako ng scroll dito sa isang entertainment app nang biglang....

"Ugh~"

"HOY?!" Biglang sigaw ng mga kaklase ko sabay tingin sa akin.

"Uh... hindi... dumaan lang sa newsfeed ko!" Pagdepense ko naman agad. Tangina bakit may umungol?! Agad kong pinatay ang cellphone ko at nilagay sa bulsa ko.

"Si Ysla nanonood ng bold!"

"HOY HINDI GAGO, DUMAAN NGA LANG SA NEWSFEED KO!" Lumapit sa akin ang ilan sa mga kaklase ko at sapilitang kinuha ang cellphone ko.

"Tingin kami ng cellphone mo! Baka bumisita ka sa ipinagbabawal na site!" Sambit nila habang pilit na inaagaw ang cellphone ko.

"Hindi nga kasi! Hindi ako katulad ninyo 'no!" Nagtulungan silang lahat kaya naman naagaw nila ang cellphone ko.

"Luh? Nandito naman sa legal app, bakit may umungol kanina?" Tanong ni Vienne.

"Aba malay ko! Nags-scroll lang naman ako kanina tapos bigla nalang na may umungol." Sagot ko sa kaniya.

"Aysus! Punta kayo sa chrome, check niyo yung search history."

"Kahit maglibot kayo diyan, wala kayong makikita." Kampante kong sagot. Ako? Manonood ng kababalaghan? No way! I'm innocent duh.

"Sus! Baka naka-incognito mode ka kapag nagsesearch ka!" Biglang sabat ni Lira.

"Hoy Lira, gayahin mo pa ako sayo na ayaw paawat sa panonood. 'Saka akin na nga yung cellphone ko! Sabi ko sa inyo wala kayong makikita dito." Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa bag. Lahat sila ay nag-side eye sa akin at umalis.

"Mga tarantado." Bulong ko.

BREAK TIME!

"Loeze, tara punta tayo sa cafeteria." Pag-aaya ko sa kaibigan ko. Agad siyang sumunod sa akin at nagsalita.

"Grabe, ang daming pinagawa ng professor natin kanina. Hindi na 'ata kaya ng superpowers ko lahat ng 'yon." Sambit niya sa pagod na pagod na boses.

"Yeah, ayaw nila paawat eh. Academic freeze please!" Nagkukwentuhan lang kami ni Loeze hanggang sa makarating kami sa loob ng cafeteria.

"Loeze, ikaw nalang mag-order, pagod ako sobra."

"Luh? oa mo sa part na 'yan, ano bang gusto mo?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako at sumagot.

"Siya." Pilya kong sagot sabay ngisi.

"Luh?! Siya yung kakainin mo?" Tanong niya.

"Amp, hoy yung bunganga mo nga, parang iba yung pinaparating mo eh." Sagot ko. Buti nalang walang nakarinig sa amin.

"Ano nga kasi?" Tanong niya ulit.

"Bilihin mo nalang yung set na good for two. Oh ito, share tayo sa bayad." Binigyan ko siya ng 250 pesos.

"Okay, hintayin mo nalang ako." Tumango nalang ako at umalis na siya para pumila.

Nakatulala lang ako nang biglang may lumapit sa akin.

"Ah hello po..." Isang boses na hindi pamilyar sa akin. Nang tignan ko ito ay isang babae na hindi ko kilala.

"Ikaw po ba si Ysla?" Tanong niya.

"Ah opo, sino po kayo?" Sagot at tanong ko sa kaniya.

"Ah, ako po Relinne, uhm Ysla, may sasabihin sana ako sayo..."

"Sige, ano po yun?"

"Uhm, matagal na po kasi kitang gusto..." Shit, awkward...

"H-huh?" Tanging nasabi ko lang.

"I know na biglaan 'to but I think this is the right time to confess my feelings for you... I like you, Ysla..." Tinignan niya ako sa mga mata ko at kitang kita ko kung paano nangungusap ang mga mata nito.

"Uhm, Relinne..." Hindi pa man ako natatapos ay nagsalita ulit siya.

"May I know if are you interested in girls like you?" Tanong niya.

"Uhm, I am bisexual." Sagot ko. Ngumiti siya sa akin at tinitigan ulit ako. "I like you, Ysla..."

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Relinne... I really appreciate your feelings for me but the feelings are not mutual. It is really unexpected to be here in this situation and I did not see this coming. Relinne, I think you should find much better because as for now... I'm not ready in any commitment of relationship... i'm very sorry and I hope you will understand me..." Woah, I handled this situation. IT'S REALLY AWKWARD DAMN.

"Oh... that's okay Ysla.. you don't have to feel sorry. I respect your decision, thank you..." And she left. All I can do is sigh.

Bumalik na si Loeze dala-dala ang pagkain namin.

"Sino 'yon?" Tanong niya sa akin.

"Nag-confess sa akin." Sagot ko.

"Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong niya.

"I said that i'm not ready for commitment of relationship." Sagot ko at nagsimula nang kumain.

"Even though I also like girls, i'm still not ready." Sambit ko.

"Mhm, sa bagay. Wait—BADING KA?!" Nagugulat niyang tanong..

"Luh? Gulat na gulat? Oo na Loeze, ako na ang bading dito." Sambit ko at ngumisi.

"HAHAHAHA! HUWAG KANG MAG-ALALA, PAREHAS NAMAN TAYO!" Luh? Pareho pala kaming bading!

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now