Chapter 10.

20 3 0
                                    

Luna's POV.

9:00 PM.

"Ano ba kasi ang problema, Rie?" Kasalukuyan kong kausap sa telepono si Rielle. Naguguluhan na ako sa sitwasyon naming dalawa.

"Wala." Malamig niyang sagot sa akin.

"Rie, makipag-usap ka naman ng maayos, ang ayos ayos ng pakikitungo ko sayo tapos ikaw ganiyan?"

"Ano ba Luna?! Wala nga kasing problema!"

"Huwag mo akong taasan ng boses Rie, maayos akong nagtatanong sayo."

"Luna, you're bothering me! I should enjoy this night!"

"Rie, I just want to clarify our situation! Lagi ka nalang ganiyan Rie!"

"LUNA PLEASE?! YOU'RE SO ANNOYING!"

"BE ANNOYED THEN, JUST ANSWER MY DAMN QUESTION, RIE."

"I DON'T LIKE TALKING TO YOU, LUNA!" Natahimik ako sa sinagot niya.

Rielle's POV.

"I DON'T LIKE TALKING TO YOU, LUNA!"  Napasigaw ako dahil sa inis ngunit nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko ay natahimik ako.

"Luna..."

"Okay fine, take care there and enjoy." Pinatay na ni Luna ang tawag. Napabuntong hininga ako.

What a mess.

"Elle?? Let's go!" Tawag sa akin ni Lian ngunit hindi ko siya pinansin.

"Elle?" Nakalapit na siya sa akin.

"Elle, hayaan mo na muna siya. Let's enjoy, bukas mo na siya kausapin." Ngumiti siya sa akin ngunit blangko pa rin ang mukha ko.

"Elle... let's enjoy, okay? Come on, it's my birthday!" Hinila ako ni Lian patayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Let's be happy tonight, Elle."

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now