Epilogue.

29 3 0
                                    

3 years later.

"Luna! Manganganak na si Ysla!" Agad tumakas sa trabaho at tumakbo papunta sa sasakyan ko nang marinig ko ang tawag na 'yon.

"Papunta na! Papunta na!" Bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan ko ngunit nahulog ko ang susi dahil sa pagmamadali.

"Fuck." Bulong ko at kinuha ang susi. Binuksan ko ang pintuan at agad na pumunta sa hospital kung saan manganganak si Ysla.

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan ko ngunit naging maingat pa rin ako.

Limang minuto lang ay nasa hospital na agad ako at hinanap kung saan nanganganak si Ysla. Nakita ko ang mga magulang ko at magulang ni Ysla at agad nilang tinuro kung nasaan si Ysla. Pumasok ako agad at nakita ko na nahihirapan ang asawa ko.

"Baby..." Agad kong hinawakan ang kamay ni Ysla, pawis na pawis siya.

"L-Luna....AAAAHHHH!" Patuloy pa rin ako sa pag-comfort sa kaniya upang kahit papaano ay makatulong ako.

Hindi ako yung nanganganak pero kahit ako ay gusto nalang rin mapatili dahil ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan ng asawa ko.

"I love you... I love you... I love you and our baby..." Bulong ko kay Ysla at sa wakas ay lumabas na ang anak namin ni Ysla.

Hingal na hingal si Ysla at agad ko siyang hinalikan sa noo.

"You did a great job honey... we finally have a baby..." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya. Tumingin ako sa anak namin at binigay ito sa amin ng doctor.

"Congrats, Mrs. & Mrs. Montclaire."

"Thank you so much, doctor..." Umalis muna ang doctor at nurses at iniwan kami ni Ysla.

"Look at our baby Luna..." Napangiti ako habang tinitignan ang anak namin.

"Such a pretty and healthy girl... I love you..."

---

2 years later.

"Happy anniversary my baby!" Agad akong lumapit kay Ysla at binigay ang bulaklak at mga sulat na hawak ko.

"Happy anniversary lovey! I miss you!" Bati niya rin sa akin.

Kinuha niya ang bulaklak at binasa ang mga tula na sinulat ko.

"Baby..." Tumingin siya sa akin habang naluluha. Hinalikan ko siya sa noo at yumakap sa kaniya.

"I love you forever Ysla..."

"I love you more Luna..." Ngumiti kami sa isa't-isa.

"Where's our baby?" Tanong ko. Hinila lang ako ni Ysla at pumunta kami sa kwarto ng anak namin. Buhat buhat siya ni Ysla at pumunta na kami sa kwarto naming dalawa.

Umupo sa kama si Ysla at sumandal sa balikat ko.

"Thank you for not giving me up... Luna..." Malambing na bulong ni Ysla na nagpangiti sa akin.

"I won't give you up no matter what." Malambing na bulong ko rin.

Oh, what a colorful life to live in. You will always be mine and I will always be yours Ysla, I won't give you up.

"I love you forever, my island..."

"And I love you most, my moon..."

Author's Note!
Hello! Thank you very much for reading this story until the end! I really appreciate it! Remember, do not give up easily, everything will be fine and beautiful when you wait!

GL: DON'T GIVE ME UP
Written by: Azyre

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now