Chapter 7.

18 3 0
                                    

Ysla's POV.

1 month later.

"Hoy ante, okay ka lang?" Bigla akong pinitik ni Loeze kaya naman agad akong napabalik sa wisyo.

"Ah oo, sorry." Sagot ko naman at natulala na ulit.

"Luh siya, hoy ano bang nangyayari sayo?"

"Ah? wala, bakit?" Sagot ko ulit.

"Yung totoo? ano nga?" Makulit na tanong niya kaya naman napabuntong hininga ako.

"Ano kasi, feeling ko nagkakagusto na ako sa isa kong... kaibigan." Seryoso kong sambit.

"Paano mo naman nasabi?" Nagtatakang tanong niya.

"Ano kasi, kaninang umaga..."

~Early in the morning ~

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong mag-notif, nang tignan ko ito, nakita ko ang message ni Luna.

From Luna:
Hi, good morning. I just wanna ask if free ka mamaya para makasabay kita sa pagpasok mamaya sa univ.

To Luna:
Hello good morning, Luna! Okay lang naman sa akin, btw bakit nga pala?

From Luna:
Nothing... I just want to be with you.

H-ha? Be with me???

To Luna:
Huh??

From Luna:
Ah I mean... I just need someone para makasabay ko sa pagpasok para hindi boring.

Oh... 'yun naman pala ang ibig niyang sabihin.

To Luna:
Oh, okay. I'll just message you nalang if papasok na ako.

From Luna:
Yeah, thanks— see you later.

~•~

"Si Luna? Yung taga-kabilang building ba na g na g sumali sa mga school activities?" Tanong ni Loeze.

"Oo— siya nga..."

"Eh? magkaibigan pala kayo no'n." Tumango nalang ako sa kaniya.

"Loeze, what if may gusto na ako sa kaniya???"

"Tanga, baka naman nabigla ka lang. Hintayin mo muna makalipas ng ilang araw or weeks tapos kapag walang nagbago at ganoon pa rin yung nararamdaman mo, gusto mo na nga siya."

"Eh..."

"Hay nako ante! Bakit naman sobra ang kaba mo? Normal lang 'yan!" Napabuntong hininga nalang ako. Dumating na ang professor at nagsimula na ang klase.

Vacant Time!

"Grabe almost 2 hours ang vacant time natin? Mag-mall kaya tayo Ysla? Doon na rin tayo kumain!" Pag-aaya sa akin ni Loeze, napangiti ako dahil sa naisip niya.

"G ba! KKB tayo ah!" Sagot ko naman sa kaniya, sumang-ayon siya sa akin at sabay na kaming naglakad palabas ng campus.

Nagtatawanan lang kami ni Loeze habang naglalakad ng may nabangga ako ng hindi ko sinasadya.

"Sorry po." Paghingi ko agad ng tawad.

"Ysla?" Nang tignan ko kung kanino galing ang boses na 'yon ay nakita ko si Luna.

"Luna... sorry..."Nahihiya kong sambit. Tangina bakit ako nahihiya sa kaniya?!

"It's okay, are you okay?" Tanong niya.

"Ah oo, ikaw ba?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya.

"I'm fine. Anyway, where are you going?" Tanong niya sa akin.

"Ah, magm-mall lang kami ni Loeze, vacant time kasi namin..." Sagot ko habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

"Oh okay. Sige, una na ako ah? Take care, Ysla." Tinapik niya ang balikat  ko at naglakad na papalayo. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ano 'yon ante? Umeeksena ka ah!" Biglang sambit ni Loeze at hinampas ako.

"Gagi, nahihiya ako." Napasabi ko nalang.

"Halata nga, eh namumula ka kanina eh!" Sambit at biglang tawa niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"SERYOSO KA BA?!" Tanong ko.

"Oo, pulado ka gaga!"

"Put— nakakahiya!"

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now