Ysla's POV.
"LUNA?! NAKABALIK KANA?!" Nagugulat na sabi ni Loeze. Napangiti ako at tumingin kay Luna.
"Para ka namang nakakita ng multo, Loeze. Kahit hawakan mo pa ako, nakabalik na ako." Lumapit si Loeze kay Luna at hinampas ito.
"Loeze?" Gulat kong tanong.
"Ang ganda ng welcome mo sa akin ah." Sambit naman ni Luna.
"Alam mo ba na anim na taon ng umiiyak yung best friend ko? Bakit mo kasi inaaway?" Taas kilay na sabi ni Loeze na nagpatawa sa amin ni Luna.
"Tsk, akala ko kung ano na. Babawi ako sa best friend mo, huwag kang mag-alala." Hinalikan ni Luna ang noo ko.
"May love life na ulit ako Loeze, ikaw?" Nakangisi kong tanong.
"Huwag na natin yang pag-usapan." Umirap sa amin si Loeze.
"Maghanap ka na kasi ng babae, huwag puro trabaho." Saad ni Luna.
"May nahanap na yan, torpe nga lang." Singit ko.
"Huwag niyo nga akong gawing topic. Anyway, pumunta nalang tayo sa mini resto ko at magkwentuhan tayong tatlo, ako na ang bahala sa inyong dalawa." Agad kaming sumang-ayon ni Luna at pumunta na nga kaming tatlo sa mini resto ni Loeze.
Tatlong oras rin kaming tumambay sa mini resto ni Loeze bago kami makaalis ni Luna.
"Are you ready?" Tanong ko kay Luna habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Of course baby..." Nakangiting sagot ni Luna. Agad niya ng pinaandar ang sasakyan at pumunta na kami sa bahay ng magulang ko.
Nang makarating ay bumaba kami at hinawakan ko agad ang kamay niya.
"Let's go." Nag-doorbell ako na agad pinagbuksan ng kapatid ko.
"Ate Luna..?" Nagugulat na tanong ni Ylon.
"Hi Ylon." Nakangiting bati ni Luna sa kapatid ko. Napangiti si Ylon at inalalayan kami sa pagpasok.
"Mabuti nalang at bumalik ka na ate Luna, alam mo ba na ang tagal naghintay ni ate Ysla para sayo. Anim na taon rin yang umiiyak." Kwento ni Ylon habang naglalakad kami papasok ng bahay.
"Hindi ko na iiwan ang ate mo ngayon." Sagot ni Luna. Binuksan ni Ylon at pintuan at agad na tinawag sila mama at papa.
"Ma! Pa!" Agad namang lumapit sila mama at papa at pareho silang nagulat nang makita si Luna.
Sabay kaming lumapit ni Luna sa magulang ko.
"Hello po tita at tito, masaya po ako na makita po ulit kayo." Nakangiti at masiglang bati ni Luna sa magulang ko at sa hindi inaakala, parehas na niyakap ni mama at papa si Luna.
"Mabuti nalang at nakabalik ka na anak ko, nagsisisi kami sa nangyari.." Umiiyak na sabi ni mama.
"Patawarin mo sana kami hija... nakita namin kung gaano ka kamahal ni Ysla, sana ay hindi mo na siya iwan..." Sabi naman ni papa.
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo tito at hinding hindi ko po iiwan si Ysla."
🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈
YOU ARE READING
DON'T GIVE ME UP
RomanceGL STORY. Will you give a chance to the woman who is willing to pursue you no matter what happens? Will you just allow yourself to be treated less than you deserve? Or will you give a chance to the woman who is ready to treat you even better than yo...