Chapter 22.

15 3 0
                                    

Luna's POV.

"Yes.. yes Luna." Nang marinig ko ang mga salita na iyon ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I'll take care with your heart, Ysla..." Malambing kong bulong sa kaniya. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at hinalikan ko naman ang noo niya.

We spend our time walking around the garden. We laugh, we talk and we hold each other's hand. It feels magical and I feel like it's my first time to fall in love.

Nang bumaba ang araw ay napagdesisyunan naming umuwi. Nagpasalamat kami sa mga staff bago kami umalis.

Kinuha ko ang helmet niya at isinuot ito kay Ysla, nakatitig ako sa kaniya habang isinusuot ito.

"Ang ganda mo." Hindi ko mapigilang sambitin ang mga salitang iyon. Ngumiti sa akin si Ysla kaya naman mas lalo siyang gumanda.

"Thank you, and you're prettier." Sambit niya. Isinuot ko na rin ang helmet ko at pareho kaming sumakay sa motor.

"Hold tight." Paalala ko. Agad niyang niyakap ang bewang ko kaya naman napangiti ako. Sinimulan ko na ang biyahe namin.

Saglit lang kaming nagbiyahe dahil hindi naman traffic. Inihatid ko siya sa bahay nila.

"Thank you Luna, nag-enjoy ako." Ani ni Ysla nang nasa tapat na kami ng bahay nila.

"You're welcome, Ysla. I'm happy to be with you." Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap, hinalikan ko rin ang noo niya.

"Ingat sa pag-uwi, Luna." Tumango ako. Kumaway ako sa kaniya at tuluyan nang umalis.

Nang makarating ako sa bahay ay agad na bumungad sa akin ang nanay ko.

"Saan ka galing?" Tanong ni mama.

"May pinuntahan lang po kami ni Ysla." Sagot ko. Tumango lang siya sa akin kaya naman dumiretso na ako ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad naman na kumunot ang noo ko nang makita ko na marami ang notifications. Chineck ko ito at nakita ko ang pangalan ni Rielle...

From: Rielle

Hey Luna, i'm back...

I'm sorry for what I've done, i'm really sorry...

Alam ko na iniwan kita nang hindi man lang nililinaw ang dahilan ko pero pinagsisisihan ko na 'yon, Luna...

Pinagsisisihan kong iwan ka...

Luna, I miss you... hanggang ngayon ay ikaw lang ang nasa isip ko...

Luna, pwede ba nating ayusin yung nasira nating relasyon?

Pinagsisisihan ko na talaga Luna...

Pwede bang maging tayo ulit? I still love you...

Luna, I still want you... I love you...

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now