Chapter 13.

13 4 0
                                    

Luna's POV.

"Ano ka ba naman, Luna? Bakit kailangan mong sigawan si Ysla?" Tinulak ako ni Reese ngunit hinayaan ko lang siya. Napatungo ako at huminga ng malalim.

Tumayo na ako at iniwan ang mga kaibigan ko. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko na sila nilingon pa.

Umuwi na ako sa bahay namin at dumiretso sa kwarto. Humiga ako at piniling matulog, wala akong ganang makipag-usap sa mga tao ngayon.

7:00 P.M

Nagising na ako at nang tignan ko ang paligid ay gabi na. Tumayo na ako at nag-ayos.

"Aalis lang po ako." Paalam ko sa nanay ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Magpapahangin lang po." Lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa bahay nila Ysla.

"Tao po..." Tawag ko at lumabas naman agad ang nanay ni Ysla.

"Oh Luna, ano iyon?" Tanong ni Tita.

"Magandang gabi po. Nasaan po si Ysla?" Tanong ko.

"Sandali lang ha, tatawagin ko lang." Ngumiti lang ako at tumango.

Umupo ako sa upuan ng terrace nila at hinintay si Ysla.

"Luna? Bakit?" Lumabas siya at lumapit sa akin.

"I need to talk to you." Sambit ko at tumayo.

"Ah? Papaalam lang ako kay mama. Saglit lang naman diba???" Tanong niya, tumango ako sa sinabi niya. Pumasok ulit siya sa loob ng bahay nila at nagpaalam kay tita.

Agad naman siyang lumabas at may suot-suot na siyang sumbrero.

"Let's go. Ihahatid naman kita mamaya kapag pauwi na tayo."

Habang naglalakad kaming dalawa ni Ysla ay halos mabingi kami sa labis na katahimikan.

Nakapunta na kami sa bakanteng lote at umupo na kaming dalawa sa damuhan.

"Ysla, I want to say sorry." Panimula ko.

"Alam ko na nasaktan kita kanina dahil nasigawan kita. Wala lang ako sa mood kanina but I know na hindi sapat 'yon na dahilan para sigawan ka. Alam kong may trauma ka sa pagsigaw at na-trigger ko 'yon kanina. Ysla... i'm deeply sorry, hindi ko sinasadya..." Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.

Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Okay lang Luna, naiintindihan kita." Nakangiti niyang sambit.

"Hindi na mauulit, Ysla. Pasensya ka na talaga..."

"Luna, i'm okay. Alam ko na may pinagdadaanan ka kaya naman naiintindihan ko yung sitwasyon mo." Ngumiti ulit siya sa akin. Sabay kaming tumingin sa buwan at sa mga tala.

"Luna?" Tawag niya sa akin.

"Hmm?" Tanong ko.

"May sasabihin ako sa iyo..." Sambit niya sa tonong kinakabahan.

"What is it, Ysla?" Tanong ko habang nakangiti.

"I like you, Luna." 

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now