Chapter 2.

24 3 0
                                    

Ysla's POV.

4:30 am.

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa boses ng nanay ko.

"MAGSIBANGON NA KAYONG DALAWA AT LATE NA NAMAN KAYO SA SCHOOL NIYO!"

Agad kong inayos ang higaan ko at lumabas na ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at nagmumog.

"Ylon naggala ka na naman kahapon! Alas otso ka na umuwi sabi sa akin ng ate mo." Rinig kong pag-kompronta ng nanay ko sa kapatid ko.

"Nag-reunion lang kaming magkakaibigan, 'ma." Pagdadahilan niya naman.

"Hay! Hindi ka nagpapaalam! Sa susunod grounded ka na!" Galit namang sigaw ni mama.

Umagang-umaga, natitrigger ang trauma ko.

"Ikaw Ysla, anong oras kang umuwi kahapon?" Tanong naman sa akin ni mama.

"Pagkauwi ko sa school, hindi naman na ako naggala." Sagot ko naman. Kinuha ko ang tuwalya at dumiretso sa banyo. Maliligo na ako.

30 minutes lang naman akong naligo at pagkatapos kong magbihis ng uniform ay may umagahan na. Agad akong umupo sa lamesa at nagsimulang kumain.

"Nasaan nga pala si papa?" Tanong ko kay mama.

"Maaga ang pasok niya ngayon." Simpleng sagot niya lang.

"Ikaw 'ma? Anong oras ang pasok mo?" Tanong ko naman. "Alas nuwebe." Sagot ni mama.

Nagpatuloy na ako sa pagkain at umupo na rin ang kapatid ko sa lamesa.

"Ako ang gagamit ng motor." Sambit ng kapatid ko sa akin. Tumaas naman ang kilay ko at nagsalita.

"Ikaw naman talaga, hindi naman ako marunong mag-motor." Sagot ko sa kaniya. Natapos na akong kumain at nagdiretso sa kusina para magsipilyo.

"Ang aga mo namang pumasok sa school, Ysla?" Tanong sa akin ni mama. Tumango lang ako at sumagot.

"May gagawin pa po kasi ako." Sagot ko naman.

"Sus, makikipagkita 'yan sa boyfriend niya." Singit naman ng kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin at pasimpleng pinakyuhan.

"YUCK! Boyfriend mo mukha mo, gayahin mo pa ako sayong maraming chiks." Sagot ko sa kaniya. Parehas kaming sinamaan ng tingin ng nanay namin.

5:30 ay inayos ko na ang gamit ko pati na rin ang sarili ko. Naglagay lang ako ng pulbos at liptint sa mukha ko dahil hindi naman ako marunong magmake-up.

"Ayaw mo bang sumabay sa kapatid mo?" Tanong ni mama. Umiling ako at nagsalita

"Hindi na po, ala sais palang, ala syete pa 'yon papasok." Sagot ko naman. "Sige, mag-ingat ka."

Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam kay Chichi.

"Babye Chichi, see you later, i love you." Sambit ko sa aso namin. Naglakad na ako palayo ngunit palabas pa lang ako ng subdivision namin ay may narinig na akong nagbusina sa akin. Nakita ko si Luna na nakasakay ng motor.

"Wala kang service?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti.

"Sakay ka na, by the way, good morning." Lumapit na ako sa kaniya at sumakay sa motor.

"Thank you Luna, good morning too."

"Kapit ka ha." Sinimulan niya nang paandarin ang motor at 5 minutes lang ang naging biyahe namin. Bumaba na ako at nagpasalamat.

"Thank you ulit, Luna." Nakangiti kong sambit. Ngumiti siya sa akin habang inaayos ang buhok niya.

"Walang anuman. Mauna na ako ah? Babye." Tumango ako sa kaniya at ngumiti ulit.

"Byebye Luna, goodluck sa klase!"

"Goodluck too, Ysla. See you later."

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now