Chapter 5.

24 3 0
                                    

Luna's POV.

Hindi pa dumadating ang last professor namin kaya naman I decided to get my phone. Nakita ko na may story or myday si Rielle kaya naman pinindot ko ito.

'With my lalove❤️' Nakita ko si Rielle at ang isang babae, magkayakap silang dalawa.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa nakita ko. Is she serious? Bakit ganoon ang caption niya? I can't help but to get jealous .

Ime-message ko sana si Rielle ngunit dumating na ang professor kaya naman wala akong nagawa kundi ang isuli ang cellphone ko sa bag ko.

What does she mean by that?

While the professor is teaching, I was overthinking. Hindi ko maalis sa isip ko ang myday ni Rielle. Bakit ganoon? Nag-away lang kami, ganoon na ang ginawa niya? Kakausapin ko talaga siya.

Puno ng pagtatanong ang isipan ko hanggang sa mag-uwian. Matamlay kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng room. Naglakad na ako palabas sa gate ng campus ngunit may bumangga sa akin at nang tignan ko kung sino ito, nakita ko si Ysla.

"Luh?! GAGO KAYO! Sorry Luna, tinulak kasi ako eh, nakikipag-asaran lang naman ako." Nahihiyang sambit ni Ysla. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango.

"That's fine. Are you okay?" Tumango lang siya sa akin.

"Mhm yeah, may kasabay kang umuwi?" Tanong niya naman sa akin.

"Uhm wala, why?"

"Sabay tayo, pwede ba? Wala rin akong kasabay eh, iniwan na ako ng mga kaklase ko."

"Sure, no probs." Sabay kaming naglakad ngunit hindi ko siya makausap dahil nag-ooverthink ako.

"Luna, okay ka lang?" Tanong niya bigla sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Ah oo naman, bakit?" Tanong ko.

"Wala lang, parang ang lalim kasi ng iniisip mo." Sagot niya. Nakarating  na kami sa parking lot kung saan naka-park ang motor ko.

"Moon—ay I mean Luna, sa susunod na kita bayaran diyan sa share ko para sa gasoline ng motor ah? nag-iipon pa kasi ako eh." Biglang sambit niya. Tumawa lang ako at binigay sa kaniya ang isang helmet.

"Okay lang, nagbibiro lang naman ako doon sa sinabi ko, anyways, Moon? Is that your nickname for me?" Tanong ko.

"Ah oo haha, ayos lang ba?"

"Mhm yeah, that sounds good."

Nang matapos kami sa pag-aayos ng helmet, sumakay na kami sa motor ko.

"Kapit ka ah." Paalala ko. Nang okay na, pinaandar ko na ang motor at nagpunta sa subdivision namin.

After 5 minutes, nakarating na kami sa subdivision.

"Here we are." Sambit ko at bumaba ng motor, bumaba na rin siya at tinanggal ang helmet niya.

"Moon, thanks ha? Nakalibre na naman ako papunta dito sa subdivision. Thank yo—" Nakita ko na may paparating na sasakyan at bigla kong hinila si Ysla para hindi siya mabangga.

"Tsk, hindi nag-iingat yung driver na 'yon." Masama kong tinignan ang may-ari ng kotse.

"A-ah thanks..." Tinignan ko si Ysla at natagpuan ko nalang na nakahawak ako sa bewang niya habang siya ay nakadikit sa akin. Binitawan ko siya at lumayo naman siya sa akin.

"Thanks Moon..."

"You're welcome, Island."

"Sige na, una na ako ah? Bye bye Moon, thank you ulit!" Kumaway sa akin si Ysla at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko.

"Bye Ysla, you're welcome!"

7:00 P.M.

Tinawagan ko si Rielle para kausapin siya tungkol sa myday niya. Hindi ko talaga siya maintindihan.

Nakatatlong tawag ako sa kaniya bago niya sagutin.

"Rielle?"

"Oh?"

"Uhm, gusto kitang kausap tungkol sa isang bagay."

"Ano?"

"Yung nasa myday mo, sino 'yon? Bakit kayo magkayakap?"

"Kaibigan ko, si Gillian. Masama bang yakapin ang kaibigan ko?"

"Hindi naman sa ganon pero yung sa caption mo... parang may something eh."

"Tsk, caption lang ganoon na agad ang naisip mo? Of course, cs namin 'yon magkakaibigan. Lahat ng kaibigan ko, ganoon ang tawag ko."

"Pero ano kas—"

"Sino ba ang girlfriend ko?"

"Ako..."

"Ayun naman pala eh. 'Wag kang magsimula ng gulo Luna, please lang, ayoko ng away."

"Hindi naman ako naghahanp ng away... gusto ko lang makampante yung isip ko..."

"Kaibigan ko lang si Gillian, okay? Wala kaming something at ganoon lang talaga ang tawagan namin. Okay ka na?"

"Rielle..."

"I'm busy, mamaya nalang."

"Wait lang naman..."

"Bye. I love you." And she said that with a cold tone. She hang up the phone without finishing my words.

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now