Chapter 9.

14 3 0
                                    

Ysla's POV.

"Grabe, inaantok na ako." Tinatamad kong bulong habang nakikinig sa professor na nagtuturo sa harapan.

"Same." Bulong rin ni Loeze at sabay kaming bumuntong hininga. Kahit inaantok kami, nakinig pa rin kami sa professor, baka kasi mamaya biglang magpa-graded recitation 'to.

END OF THE CLASS.

"Sa wakas! Sabay na tayo umuwi, Loeze." Pag-aaya ko sa kaibigan ko.

"Sige, kain tayo tusok-tusok." Sambit niya naman.

"Eh gusto ko ihaw-ihaw" Sagot ko naman sa kaniya.

"Ikaw nalang mag ihaw-ihaw basta magtutusok-tusok ako." Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Naglakad na kami paalis sa classroom at nang makababa na kami sa building namin, nakasalubong naman namin sila Luna at ang mga kaibigan niya.

"Hi Ysla." Pagbati sa akin ni Reese kaya naman ngumiti ako.

"Hi po." Pagbati ko naman sa kaniya.

"Teh diba crush mo yang si Luna?" Biglang bulong sa akin ni Loeze kaya naman agad ko siyang nahampasan.

"Tanga, hindi pa ako sure." Bulong ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Binalik ko naman ang tingin ko kanila Luna at sa mga kasahaman niya sabay ngumiti.

"Pauwi na kayo?" Tanong ko sa kanila at sabay-sabay naman silang tumango. Sinulyapan ko si Luna at mukha siyang matamlay, nang tumingin siya sa akin ay agad kong iniiwas ang paningin ko.

"Pwede po bang sumabay kami ni Loeze sa inyo?" Tanong ko sa kanila at sabay-sabay ulit silang nagsitango.

"Sige ba." Sambit ni Reese.

"Thank you, pero pupunta kami ni Loeze sa tusok-tusok at ihawan, magmemeryenda lang kami."

"Oh? Sige kami rin." Sambit pa ng isa nilang kaibigan. Sabay-sabay na kaming naglakad papalabas ng campus.

Malapit na kami sa ihawan at tusok-tusok at napansin ko na nahuhuli sa paglalakad si Luna kaya naman nilapitan ko siya.

"Loeze, wait lang ah." Sambit ko sa kaibigan ko at tumango naman siya.

"Luna? ayos ka lang?" Tanong ko nang makalapit ako kay Luna, pilit niya akong nginitian at tumango.

"Oh yeah." Sagot niya.

"Magmemeryenda ka rin ba?" Nakangiti kong tanong.

"Uhm ayoko." Sagot niya sa akin.

"Luh? Tara na, lahat tayo ay magmemeryenda para na rin maging good mood ka na." Ngumiti ulit ako sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin bago sumagot.

"Okay." Nakarating na kaming lahat sa tusok-tusok at ihawan at isa-isa na kaming bumili.

"Kuya, ten pesos po na fishball at kwek-kwek."

"Kuya, squidball po at kikiam, tig-ten pesos lang po."

"Kuya, pabili po ng pugo, lima po, may libre pong asin?"

"Kuya, tatlo pong tenga ng baboy, tatlo pong bituka ng baboy at barbeque po."

"Kuya, dalawa pong barbecue."

"Kuya, lima pong isaw with suka."

Nang mabigyan na kaming lahat ng mga pagkain na binili namin ay sabay sabay na ulit kaming naglakad pauwi.

"Thanks Ysla." Biglang sambit sa akin ni Luna.

"Huh? para saan?" Hindi siya sumagot sa akin at nginitian lang ako.

Shet, ganda talaga ng ngiti niya.

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now