Chapter 21.

13 3 0
                                    

Ysla's POV.

3 months later.

Inaayos ko ang sarili ko dahil may pupuntahan ako. Nagtext kanina sa akin si Luna dahil ang sabi niya sa akin ay susunduin niya ako mamaya dahil may pupuntahan kami.

"Hmm... ano kaya ang pwede kong isuot..." Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Dapat bang simple lang ang suot ko o bongga?

Tinitigan ko pa ang cabinet ko at napagdesisyunan kong maging cute girl or soft girl.

Syempre dapat pacute ang atake natin.

Kinuha ko ang mga pacute kong damit at agad na nagbihis. Naglagay ng simpleng make-up sa mukha ko para naman umayon sa damit ko.

Habang nagfefeeling sa salamin ay agad na nagring ang cellphone ko.

Kinuha ko agad ito at sinagot ang tumatawag.

"Hi Luna!" Masaya kong bati.

"Hello Ysla, papunta na ako diyan."

"Okie, ingat!" Lumabas na ako ng kwarto ko at agad akong napansin ng kapatid ko.

"Oh, saan ang punta mo?" Tanong niya sa akin.

"May pupuntahan lang kami ni Luna." Sagot ko sa kaniya.

"Pasalubong ha." Agad namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Naur way, wala na akong pera duh."

Umalis na ako at pumunta ng terrace.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Luna, shit ang poganda talaga. Agad niya akong nginitian. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Let's go?" Tanong niya. Tumango ako sa kaniya at sumunod.

"Saan tayo pupunta, Luna?" Tanong ko sa kaniya.

"Secret." Sagot niya lang sa akin. Pumunta kami kung saan nakapark ang motor niya.

"Wow, ang pogi ng motor mo ngayon ah." Ani ko.

"Syempre, mana sa may-ari." Sagot niya sa akin.

"True." Alangan naman umangal pa ako? Ang pogi-pogi at ang ganda ganda ni Luna.

Sinuotan niya ako ng helmet habang ako naman ay nagpacute lang. Syempre magpapacute ako, crush ko yung nasa harapan eh.

Pagkatapos niya akong suotan ng helmet ay sumakay na siya at sumunod na rin ako.

"Hold tight." Ani niya at humawak ako sa bewang niya.

Smooth lang na nagpaandar si Luna ng motor. 20 minutes ang naging biyahe namin bago kami makarating sa isang Garden & Restaurant.

Sihara Garden & Restaurant.

"Mukhang mamahalin dito ah." Sambit ko nang makababa ako.

"Hm yeah but it will be worth it." Sambit ni Luna.

"Nakapunta kana dito, Luna?"

"No, it's my first time here."

Sabay kaming pumasok ni Luna at agad kaming binati ng mga staff.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay agad na tumambad ang iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Naglalakad kami sa gitna nito kaya naman amoy na amoy namin kung gaano ito kabango.

May isang kubo kaming pinuntahan at doon kami kakain ni Luna. Nag-order kami ng mga gusto namin. Ang sabi ni Luna ay ililibre niya daw ako, pipilitin ko sana siya na magshare kami sa bayad pero nanalo siya na ilibre ako.

"Luna, ang ganda dito." Tuwang tuwa kong sambit habang nakasilip sa bintana.

"Yes, just like you." Agad akong namula sa sinabi niya. Ngumiti lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin.

3 minutes lang kaming naghintay at agad na dumating ang inorder naming pagkain. Masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan.

"Bakit mo nga pala ako inaya dito? Anong meron"? Nagtataka kong tanong kay Luna, tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Because I want to ask you something..." Sagot niya sa akin, mas lalo naman akong nagtaka.

"Ano naman iyon?" Tanong ko, mas lalo siyang ngumiti.

"Later..." At kinindatan niya ako. Kuhang-kuha talaga ako nito.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami sa kubo. Mahangin ngayon, kasabay ng hangin ay pagsayaw ng mga bulaklak.

Agad kong naramdaman ang kamay ni Luna sa kamay ko.

"Luna?" Nagtataka kong tawag. Ngumiti siya sa akin at humarap sa akin.

"Ysla, I have something to tell you." Tinitigan ako ni Luna sa aking mga mata.

"Ah.. ano 'yon?" Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"I like you, Ysla..." At parang tumigil na ang mundo ko.

Is this real? Yung babaeng gusto ko ay gusto na rin ako?

Mas lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Ysla... can I court you..?" Malambing na tanong niya sa akin.

"Yes.. yes Luna." Nakangiti kong sagot. Mas ngumiti siya sa akin at agad niya akong kinulong sa mga bisig niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko mapigilan ang maluha.

"I'll take care with your heart, Ysla..."

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now