Chapter 25.

13 3 0
                                    

Luna's POV.

It's been 2 years simula nang maging girlfriend ko si Ysla. She is worth it, really worth it. I love her so much, more than she imagine.

Eto ang unang beses ko na makaranas ng healthy relationship, hinding hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Ysla.

Katulad ng ipinangako ko, kay Ysla ko pinaranas ang mga gusto ko sa isang relasyon na hindi ko naranasan dati, ibinalik niya rin naman sa akin iyon ng mas higit pa.

I love her, I really do. I can't imagine my life without her.

--

Rielle's POV.

Pabagsak kong inilapag ang cellphone ko pagkatapos kong iistalk si Luna.

Fuck! 2 years na sila ng girlfriend niya? 4 months nga lang yung tinagal namin!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na iba na ang girlfriend ni Luna.

Kung nagtino lang sana ako, edi sana, sa akin pa rin siya masaya, ako pa rin sana ang girlfriend ni Luna.

Fuck! hindi ko kayang makita na masaya na siya sa iba! Masaya na siya habang ako ay umaasa pa rin sa kaniya?

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadabog nang biglang may naisip akong ideya.

Hmm...

Legal na ba sila Luna at ng Ysla'ng 'yon? Bigla nalang akong napangisi. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at ichineck kung may account ba ang nanay ni Luna at meron nga, nakalagay rin doon ang contact number kaya naman isinave ko ito para mag-text.

From: 09*********
Magandang gabi po, hindi po ako magpapakilala sa inyo pero nais ko po sanang ipaalam sa inyo na ang anak niyo po na si Luna ay may relasyon po sa kapwa niya babae, ang pangalan po ng karelasyon niya ay Ysla, Ysla Winslow. Sana po ay makatulong po sa inyo ang impormasyon na iyon...

--

Ysla's POV.

Pagkapasok ko palang sa bahay ay agad na tumambad ang blankong mukha ni mama.

"Ayos ka lang 'ma?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at matalas ang mga tingin niya.

"Halika, pupunta tayo sa bahay nila Luna." Napalunok ako, bakit? Ibinaba ko ang bag ko at tinawag naman ni mama si papa. Ang tingin nila mama at papa ay matalas kaya naman napayuko nalang ako.

"Sumunod ka sa amin." Lumabas ako ng bahay dahil sa iniutos nila. Sabay sabay kaming pumunta sa bahay nila Luna at natagpuan namin ang mga magulang ni Luna at siya. Nakayuko si Luna ngunit umangat ang paningin niya sa amin, palihim ko siyang nginitian.

"Maupo na kayo, Yeni at Yonan." Sambit ng magulang ni Luna. Umupo naman ako sa tabi ni Luna at agad niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

"Ayos ka lang?" Tumingin siya sa akin at ngumiti lang.

"Kaya ko kayo pinapunta dito Yeni, Yonan at Ysla dahil may nalaman kami ng asawa ko tungkol sa inyo ng anak namin." Biglang sambit ni Mrs. Montclaire, napalunok ako dahil nakaramdam ako ng tensyon.

"Kagabi lang ay may nareceived akong text mula sa hindi ko kilalang tao at sinasabi niya na ikaw Luna ay may relasyon kay Ysla." Agad na tumingin si Luna sa mga magulang niya.

"Totoo ba 'yon?" Tanong ni Mrs. Montclaire. Nabalot ng katahimikan ang buong sala.

"Ysla, totoo ba?" Tanong naman sa akin ng nanay ko.

"O-opo..." Sabay naming sagot ni Luna.

"Gaano katagal na?" Tanong ulit ni Mrs. Montclaire.

"Ma, I can explai—" Naputol ang pagsasalita ni Luna.

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now