Chapter 8.

15 3 0
                                    

Luna's POV.

"Anong meron?" Tanong sa akin ni Reese, tumingin naman ako sa kaniya habang nagtataka.

"Huh? What do you mean?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Hindi mo ba napapansin? Namumula si Ysla kanina habang kausap ka." Sagot niya naman sa akin.

"Ah oo, pansin ko rin." Nagpatuloy na kami sa paglalakad ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko kaya naman huminto muna kami.

Nang tignan ko kung sino ang tumatawag, sinagot ko agad ito.

"Hi Rie, how are you?" Nakangiti kong tanong.

"I'm fine, anyway, aalis ako mamayang gabi."

"Where are you going?"

"In the club, it's my friend's birthday."

"Oh really? Okay take care and enjoy." Nakangiti pa rin ako.

"Yeah thanks. Anyway, tumawag lang ako para sabihin 'yon."

"Oh, I love yo—"

"Bye." At namatay na ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako, palagi nalang.

"Pinatayan ka ulit? Ano bang nangyari sa inyo ni Rielle?" Biglang tanong ni Reese.

"I don't know, bigla nalang naging ganoon." Matamlay kong sagot.

"Aw, kawawa ka naman." Pang-aasar niya pa ngunit hinayaan ko lang siya.

What happened to us, Rie?

Rielle's POV.

"Ang cold mo naman sa gf mo." Biglang sabat ni Tanya, kaibigan ko. Hindi nalang ako sumagot sa kaniya.

"Ano bang nangyari sa inyo?" Tanong niya ulit.

"Wala." Maikli kong sagot.

"Hay, ayusin mo yung trato mo sa gf mo, LDR pa naman kayo tapos ganiyan ka pa sa kaniya, baka sa susunod magsawa na siya sayo." Pananakot niya ngunit hindi ko ulit pinansin.

"Anong oras ba tayo aalis mamaya?" Tanong ko sa kaniya.

"Aba ewan ko, itanong mo sa birthday girl." Sagot niya sa akin.

"RIELLE!!" Isang matinis na boses ang bumungad sa akin at nang tignan ko kung sino ito, si Lian, ang birthday girl.

"Lia—" Agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya naman napangiti ako.

"Happy birthday, Lian." Nakangiti kong sambit.

"Thank you, babe!" Agad niya akong hinalikan sa pisngi.

"Hoy! ang harot niyong dalawa. Lian, hindi porket birthday mo ay aabusuhin mo na si Rielle, may gf na yan hoy." Pananaway sa amin ni Tanya, tumawa si Lian sa kaniya at hinampas siya.

"Ano ka ba naman Tanya! Napaka-KJ mo! HAHAHA! Friends lang kami ni Rielle, besides, hindi naman makikita 'to ng gf niya, right babe?"
Kumindat sa akin si Lian at ngumiti.

"Ah yeah."

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now