Chapter 19.

10 3 0
                                    

Ysla's POV.

"Ma, nasaan si Ylon?" Tanong ko kay mama habang hinahanap ang kapatid ko, hindi ko siya mahagilap dito sa bahay namin.

"Pumasok na, bakit?" Sagot sa akin ni mama.

"Huh? Ang aga naman." Nagtataka kong tanong.

"Ala-syete daw ang pasok ng kapatid mo eh."

Ala-syete? Eh ang sabi niya sa akin kagabi, 9 am pa ang pasok niya. 6:30 palang oh!

"Huh? Sabi niya sa akin 6 am daw ang pasok niya." Agad na tumingin sa akin si mama at kinuha ang cellphone niya. Sure ako na icocontact niya ang kapatid ko.

"Lintik na bata 'yon oh." Nagtatype na si mama sa cellphone niya.

"Magpapahatid sana ako eh." Naiinis kong sambit.

"Mag-pamasahe ka nalang." Sabat ni mama.

"Sakto lang po yung budget ko para sa project na gagastusin ko." Kamot-ulo kong kinuha ang bag ko.

"Una na po ako." Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Buti nalang at 8 am pa ang pasok namin.

Naglalakad lamang ako nang biglang may umakbay sa akin.

"Ah Luna?" Nagugulat kong tanong.

"Wala kang service?" Tanong niya sa akin.

"Wala eh. Ikaw Luna? Hindi ka magmomotor?" Nagtataka kong tanong. Bihira lang maglakad si Luna kapag papasok siya sa school, kadalasan ay nagmomotor siya.

"Hindi, sira ang motor ko ngayon. Ipapaayos ko pa mamaya." Sagot niya sa akin.

"Ah okay. Kamusta ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Hm getting better." Nakangiting sagot niya sa akin, ngumiti naman ako.

"Good to know."

Her smile is back.

Habang naglalakad kami ay bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Ysla?" Tanong niya sa akin.

"Hm yes?" Sagot ko.

"Do you like someone right now?" Nagulat naman ako sa tinanong niya.

"Actually.... yes." Nahihiya kong sagot.

Sa dami nang pwedeng itanong, ayun pa talaga?

"Ako pa rin ba?" Agad akong namula dahil sa sinabi niya.

"Uhm..." Nag-aalangan akong sumagot. Sasagutin ko ba yung tanong niya? Anong mangyayari kapag sinagot ko siya?

Pulang-pula na ang mukha ko at nahihiya na talaga ako.

"Ikaw naman palagi, Luna."

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now