Chapter 27.

12 3 0
                                    

Ysla's POV.

So here I am, being what I'm dreaming of.

Matagal ko nang nakamit ang buhay na pangarap ko. Nabigyan ko na ng magandang buhay ang pamilya ko at nakamit ko na rin ang trabaho na pinangarap ko.

Hindi ba dapat maging masaya ako dahil nakamit ko na ang mga pangarap ko sa buhay? Pero hindi, may kulang pa rin talaga.

Paano ako magiging masaya kung hindi ko kapiling ang minamahal ko? Anim na taon na, anim na taon na akong naghihintay sa kaniya at kahit isang beses ay hindi ko siya naramdaman.

Nakalimutan niya na ba ako?

O may iba na siyang minamahal?

Iniisip ko palang 'yon ay parang dinudurog na ang puso ko.

Luna... sana ako pa rin...

--

Sumakay ako sa sasakyan ko at nagpunta sa coffee shop na pinupuntahan namin dati ni Luna. Agad akong umupo kung saan kami pumupwesto dati.

Mabuti nalang at kaunti lang ang pinagbago sa coffee shop na ito dahil sariwa pa rin ang alaala namin ni Luna tuwing magkasama kami dati dito.

Lumapit sa akin ang waitress at tinanong ang order ko.

"1 Cappuccino and 1 slice of chocolate cake please." Ayan ang palagi kong inoorder sa tuwing pumupunta kami dito ni Luna.

"Oh wait for my order, 1 Macchiato and another slice of chocolate cake too." Agad akong napatingin dahil sa boses na iyon.

"L-Luna..." Naiiyak kong sambit.

Is this real...?

Ngumiti ito sa akin at agad akong sinalubong ng yakap.

"I'm back baby..." Hindi ko na napigilan ang umiyak.

Sa anim na taon kong hindi siya nakasama... akala ko ay tuluyan niya na akong nakalimutan...

"I'm sorry... i'm sorry for what happened to us... I really miss you... Ysla. I waited for this day to come..."

"Luna... d-don't leave me.. please..."

"I won't, I won't leave you anymore. I will stay by your side, I will fight for us... no one can stop us from now on..."

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

DON'T GIVE ME UPWhere stories live. Discover now