Hey, readers of Mr. WOM.
Let me introduce my family to you. My BIG clan.
Si Lolo SEBASTIAN GUERRERO. Sabihin nating siya ang ugat ng sanga-sangang mga problema sa kwentong ito.
Si Tito ARTHUR GUERRERO. Siya ang eldest child ni Lolo. Malaki ang galit ni Lolo sa kanya rahil iniwan niya ang angkan namin para sumama sa babaeng mahal niya na si Tita MILDRED GUERRERO. Mula sa mahirap na pamilya kaya hindi matanggap ni Lolo. Mayroon silang anak na siyang isa sa mga pinsan ko, si STEPHANIE GUERRERO. Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ko ang pinsan kong 'yan.
Si Mommy ELIZABETH GUERRERO-ALMAZAN. Of course, siya ang mother ko. Second eldest child of Lolo. Super frustrated siya nang hindi mapunta sa kanya ang mga responsibilidad na iniwan ni Tito Arthur. Hanggang ngayon ay inilalaban niya iyon kay Lolo. Si Daddy RYAN ALMAZAN. My opportunist father. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit niya pinakasalan si Mommy. Kung mahal niya ito o rahil sa yaman ni Lolo.
Lipat naman tayo sa mga kapatid ko. Si Kuya EDWARD GUERRERO ALMAZAN. Ang heartthrob ng angkan, well, ayon sa kanya. Playboy at hindi makuntento sa iisang girlfriend. Si EUGENIE GUERRERO ALMAZAN. Ang gay brother ko na sobrang tanggap ko. The super-duper flirty one sa aming magpipinsan. Sabi niya, what Eugenie wants, Eugenie gets.
Si Tito THEO GUERRERO. Third child of Lolo Sebastian. Grabe ang pressure sa kanya nang iwan ni Tito Arthur ang angkan namin dahil sa kanya napunta ang lahat ng responsibilidad nito. Matindi rin ang pressure mula sa misis niya. Si Tita HELENA GUERRERO. Ang materialistic wife ni Tito Theo. Naiinggit sa mga bagay na mayroon si Mommy Elizabeth. Ang kanilang unica hija, ang pinsan kong si AMETHYST GUERRERO. Ang liberated kong pinsan sa isip, sa salita, at sa gawa. Madalas kaaway ang kapatid kong si Eugenie.
Si Tita CHARLOTTE GUERRERO-CHAVEZ. The youngest child of Lolo. Ang most understanding member of the family. She's the glue that keeps the family together. Gagawin ang lahat para hindi masira ang reputasyon ng pamilya. Si Tito OSCAR CHAVEZ. Ang pasaway na mister ni Tita Charlotte. Minsan ay tingin ko sinasadya niyang magpasaway para inisin ang asawa. They have an adopted daughter, si LOUISE GUERRERO CHAVEZ. Ang pinsan kong hindi-makabasag pinggan. Pero kung tumingin sa mga mata namin ay parang alam niya ang sikreto ng bawat isa.
Oo nga pala. May isa pang anak si Lolo Sebastian. Anak daw sa labas. 'Yon ang sabi ni Tita ANASTASIA. I don't call her Guerrero rahil hindi naman 'yon ang surname na ginagamit niya. Simula nang dumating siya, mas gumulo pa ang dati na naming magulong angkan.
So that's it, fellas. Mi Familia.
Oh, by the way, I'm JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Your guide to the chamber of our family skeleton.
Ating alamin at tuklasin ang mga itinatagong lihim at sikreto ng FAMILIA GUERRERO.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
General FictionSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...