THIRD PERSON POV
Hindi inaalintana ni Jomari ang malakas na hampas ng hangin na tumatama sa kanyang mukha habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo patungong malaking bahay ng mga Guerrero.
Ang malaking bahay kung saan si Jomari lumaki at nagkaisip.
Siguradong nag-aalala na ang Lolo Sebastian ni Jomari rahil hindi na naman siya umuwi kagabi. Hindi na naman niya namalayan ang oras at napasarap ang pakikipagniig sa kanyang kasintahang si Pamela. Nang magising siya ay umaga na.
Mas pinaharurot pa ni Jomari ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo. Mabuti na lamang ay wala pang masyadong sasakyan sa kalsada ng mga oras na iyon.
Paniguradong masesermunan na naman si Jomari ng kanyang Lolo Sebastian pagkarating niya ng mansyon.
----------
Sa loob ng mansyon ng mga Guerrero ay abala ang lahat ng miyembro ng angkan para sa pagsisimula ng panibagong araw.
Isinusuot ni Elizabeth ang isang chandelier earring sa kanyang kanang tainga sa harap ng salamin ng vanity table nang mahagip ng kanyang tingin sa salamin ang may kalmot na likod ng asawang si Ryan.
Elizabeth: Ryan, what are those scratches on your back?
Napansin ni Elizabeth na parang natigilan ang asawang si Ryan at huminto sa pagsusuot ng pantalon nito. Maya-maya ay itinuloy din ang pagbibihis bago nagsalita.
Ryan: Ah, tumama sa barbed wire.
Napataas ang mga kilay ni Elizabeth.
Elizabeth: At bakit naman tatama ang likod mo sa barbed wire?
Tumingala si Ryan at nagbuntung-hininga.
Ryan: Honestly, I already forgot. Siguro tumama sa kung saan and I just didn't notice.
Tumayo mula sa pagkakaupo sa vanity chair si Elizabeth at hinarap ang asawa. Humalukipkip siya.
Elizabeth: So why did you lie to me about the barbed wire? Kung hindi mo naman pala naaalala.
Naiiritang pumikit ng mariin si Ryan at humugot ng malalim na paghinga. Nang imulat ang mga mata ay umiling.
Ryan: Here we go again. Okay, sorry. Hindi ko alam kung bakit may mga kalmot ang likod ko. Actually hindi ko malalaman kung hindi mo pinansin.
Nagdududang tiningnan ni Elizabeth si Ryan bago tumango.
Elizabeth: Okay. Next time, be careful. Bilisan mong magbihis.
Iyon lang at tuluyan nang lumabas ng kwarto nila ni Ryan si Elizabeth. Nang makalabas si Elizabeth ng kwarto ay ipinagpatuloy ni Ryan ang pagbibihis. Ginaya pa nito ang pagsasalita ng asawa, pati ang tono ng boses.
Ryan: Okay. Next time, be careful. Blah, blah, blah.
Pagkalabas ni Elizabeth ng kwarto nila ni Ryan ay sakto ring paglabas ni Helena mula sa kwarto nito at ng asawang si Theo.
Helena: Oh, hi, Elizabeth. I hope you're starting your day right.
Tinaasan lang ng isang kilay ni Elizabeth ang hipag na si Helena bago tuluy-tuloy na bumaba ng grand staircase.
Bumulong sa hangin si Helena.
Helena: So rude.
Pababa na rin sana ng grand staircase si Helena nang makita nito ang isa sa mga pamangkin ng asawa nito. Si Edward. Lumabas na rin ito ng kwarto nito at pawis na pawis ang magkabilang braso. Pumuputok ang muscles sa katawan. Halatang galing sa workout.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
General FictionSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...