CHAPTER 11

342 5 4
                                    

THIRD PERSON POV

Pumasok sa loob ng malawak na kusina ng Familia Guerrero si Elizabeth nang makitang naroon ang isa sa kanyang mga hipag na si Mildred. Tumutulong ito sa resident chef ng pamilya sa pagluluto ng mga pagkain para sa tanghalian.

Elizabeth: Hi, Mildred.

Nagulat pa si Mildred nang batiin ito ni Elizabeth dahil simula nang tumira ito sa mansyon ng pamilya Guerrero ay wala itong naaalalang kinausap ito ni Elizabeth, ang isa sa mga kapatid ng asawa nitong si Arthur.

Nginitian ni Mildred si Elizabeth na kanina pang nakangiti rito.

Mildred: Magandang araw, Elizabeth.

Marahang tumawa si Elizabeth nang makitang hindi makatingin ng diretso sa kanya ang hipag na si Mildred at nagpatuloy sa pagtulong sa kanilang resident chef.

Elizabeth: Pwede mo akong tingnan, Mildred. Hindi ako nangangain ng tao.

Nakaramdam naman ng guilt si Mildred dahil sa totoo lang ay iniiwasan nito ang mapagsolo sila ng hipag na si Elizabeth dahil sa mga nangyari noon ilang taon na ang nakalipas.

Nilapitan ni Elizabeth ang resident chef at inutusang lumabas muna sandali ng kusina.

Kinabahan si Mildred nang silang dalawa na lamang ni Elizabeth ang naiwan sa loob ng kusina lalo na nang humarap dito si Elizabeth at tinitigan ito ng matiim.

Nagbuntung-hininga muna si Elizabeth bago nagsalita.

Elizabeth: I guess this is the right time to say sorry for all the bad things that I had said to you in the past, Mildred.

Tiningnang mabuti ni Mildred ang mukha ni Elizabeth at nakita nito sa mga mata ng hipag ang pagnanais na makahingi ng kapatawaran sa mga nasabing masasamang bagay kay Mildred noon.

Gamit ang kanang kamay ay inabot ni Elizabeth ang kaliwang kamay ni Mildred at ikinulong iyon sa kanyang dalawang palad.

Elizabeth: I really am sorry, Mildred. Marami akong nasabing hindi maganda tungkol sa 'yo noon at labis ko iyong pinagsisihan sa mga lumipas na taon.

Binitiwan ni Elizabeth ang kaliwang kamay ni Mildred.

Elizabeth: Hindi rin ako naging mabuting kapatid kay Kuya Arthur dahil mas ginusto ko pang umalis siya rati kaysa pigilan ko.

Nakita ni Mildred ang pagtingala ni Elizabeth sa kisame ng kusina para pigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.

Elizabeth: Siguro kung sinubukan kong pigilan si Kuya Arthur na umalis ng mansyon ay baka hindi siya nawalay sa aming piling nang ganoong katagal na panahon.

Nakita ni Mildred na pumikit-pikit si Elizabeth para pigilan ang nalalapit na pagtulo ng kanyang mga luha.

Ngumiti si Mildred kay Elizabeth. Smile of assurance.

Mildred: Huwag kang mag-alala, Elizabeth. Wala ng balak pa si Arthur na lisaning muli ang mansyon. Tingin ko ay na-miss ng sobra ng aking asawa kayong pamilya niya kaya alam kong babawiin niya ang mga taong hindi niya kayo nakasama.

Tumigil sandali sa pagsasalita si Mildred at nagbuntung-hininga.

Nginitian ni Mildred si Elizabeth bago muling nagsalita.

Mildred: Matagal ko nang kinalimutan ang mga nangyari noon, Elizabeth. Kasabay ng paglimot ay ang pagpapatawad sa aking puso. Naging masaya ang pagsasama namin ni Arthur sa mga nakalipas na taon. Walang dahilan para alalahanin pa ang nakaraan.

Inabot ni Elizabeth ang box ng tissue paper na nasa ibabaw ng kitchen island at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha.

Elizabeth: Glad to hear that.

Familia GuerreroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon