CHAPTER 4

730 7 5
                                    

THIRD PERSON POV

Nasa loob ng kanyang malaking library si Sebastian at pinanonood mula sa malaking bintana ng kwartong iyon ng malaking bahay ang ginagawang pagmamando sa mga tao ng anak na si Elizabeth sa malawak na hardin na pamilya para sa nineteenth birthday ng bunsong anak nitong si Eugenie.

Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita para sa kaarawan ng apo ni Sebastian na si Eugenie. Pamilya ng mga kaibigan at kaklase nito, mga malalapit na kaibigan ng mga magulang nitong sina Ryan at Elizabeth, mga empleyado ng negosyo ng pamilya Guerrero, mga ilang taong inimbitahan ng mga tito at tita ni Eugenie, at maging ng mga kapatid at mga pinsan nito.

Maging ang press ay hindi kinalimutang imbitahan ni Elizabeth.

Unti-unti nang napupuno ng mga bisita ang malawak na hardin ng Familia Guerrero.

Iniistima ng anak ni Sebastian na si Elizabeth at mister nitong si Ryan ang mga taong nagsisidatingan. Ang iba ay may dala-dalang regalo para kay Eugenie at ang iba ay halatang makikipaghuntahan lamang at makikibalita sa mga bagay-bagay.

Mula pa kanina ay nasa tabi na ni Elizabeth ang event organizer na si Alexis Ricafrente. Aligaga si Elizabeth at lagi itong sinusubukang pakalmahin ni Alexis.

Si Ryan ay nasa tabi lang din ni Elizabeth ngunit sa tuwing nagpapaalam si Alexis kay Elizabeth at sasabihin nitong may aasikasuhin lamang na may kinalaman sa party ay bigla ring nawawala sa tabi ni Elizabeth ang asawa nitong si Ryan.

Sa tuwing umaalis si Ryan sa tabi ni Elizabeth ay sinusundan ito ng tanaw ni Sebastian hanggang sa hindi na niya ito maabot ng tingin. Bigla rin naman itong babalik na inaayos pa ang sarili. At lagi nitong kasunod na bumabalik sa tabi ni Elizabeth ang event organizer na si Alexis.

Napapansin ni Sebastian na sa tuwing hindi nakatingin si Elizabeth ay parang nagkakatinginan pa sina Ryan at Alexis.

Sigurado si Sebastian na may ginagawang kalokohan ang kanyang manugang na si Ryan.

Dati pa man ay hindi na gusto ni Sebastian si Ryan para sa kanyang anak na si Elizabeth. Ngunit anak si Ryan ng isa sa mga kliyente ni Sebastian sa negosyo kaya hindi naging madali para sa kanya na tutulan ang relasyon nito sa kanyang anak.

Magaling bumasa ng tao si Sebastian at sigurado siyang maraming itinatagong baho ang kanyang manugang na si Ryan.

Gustong balaan ni Sebastian ang anak na si Elizabeth tungkol sa pagiging babaero ni Ryan na rati pa naman niyang nababalitaan bago pa man ikasal ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala siyang makitang patunay na nambababae ito.

Magaling magtago ng dumi ang manugang ni Sebastian.

Ang asawa ni Elizabeth na si Ryan ang dahilan kung bakit hindi ibinigay ni Sebastian sa pangalawang anak na si Elizabeth ang responsibilidad sa kanilang negosyo na iniwan ng kanyang panganay na anak na si Arthur nang makipagtanan ito sa kasintahang si Mildred na asawa na nito ngayon.

Bagkus ay ibinigay ni Sebastian sa pangatlong anak na si Theo ang malaking responsibilidad na iniwan ni Arthur na naging dahilan para makaramdam ng hinanakit si Elizabeth kay Sebastian.

Alam ni Sebastian na magaling si Ryan sa pagmamanipula ng mga tao at kung sakaling ibigay niya kay Elizabeth ang malaking responsibilidad sa negosyo ay baka mauwi sa wala ang lahat ng kanyang mga ipinundar sa loob ng maraming taon kung nandiyan si Ryan para manipulahin ang kanyang anak na si Elizabeth.

Isa pa sa mga iniisip ni Sebastian ngayon ay ang anak na si Arthur.

Makalipas ang maraming taon mula nang lisanin ni Arthur ang mansyon ng Familia Guerrero at makipagtanan kay Mildred ay sinubukang kontakin ni Sebastian ang panganay na anak.

Familia GuerreroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon