THIRD PERSON POV
Malalim na ang gabi ngunit si Sebastian Guerrero ay gising na gising pa rin ang diwa. Hindi makatulog ang matanda matapos ang naging usapan nila ng kanyang panganay na anak na si Arthur kanina.
Makalipas ang maraming taon ay muling narinig ni Sebastian ang boses ng kanyang anak na si Arthur. Ang anak niyang iniwan ang kanilang buong pamilya para sumama sa babaeng mahal nito. Si Mildred.
Nang pumasok sa isip ni Sebastian ang pangalang Mildred ay halos madurog ang kopita ng alak na tangan-tangan niya sa kanyang kanang kamay. Galit na galit siya sa babaeng naging dahilan para talikuran siya ng sariling anak. Isang babaeng kung gugustuhin niya ay kayang-kaya niyang burahin ang mukha sa mundo. Isang babaeng bunga ng kasalanan.
Isang babaeng malaki ang pagkakasala kay Sebastian.
Alam ni Sebastian sa sarili na hindi niya pwedeng basta na lamang dispatsahin si Mildred dahil tuluyan nang mawawala sa kanya ang kanyang panganay na anak na si Arthur kapag nangyari iyon. At iyon ang ayaw niyang mangyari, ang tuluyang itakwil siya ng kanyang anak bilang ama nito.
Kaya naman matapos ang ilang taon mula nang lisanin ni Arthur ang malaking bahay ng pamilya Guerrero, matapos siyang tikisin ng sariling anak sa loob ng mahabang panahon, ay sinubukan ni Sebastian na kontakin ang anak na matagal nang nawalay sa kanya.
Natatandaan pa ni Sebastian ang naging takbo ng usapan nila ng kanyang anak na si Arthur kanina.
Arthur: Hello. Arthur Guerrero speaking.
Parang may nabuhay na isang parte sa puso ng matandang Sebastian nang muling marinig ang boses ng kanyang anak na si Arthur makalipas ang napakaraming taon.
Sebastian: A-anak?
Parang may bikig sa lalamunan ni Sebastian nang tawaging anak si Arthur. Muli niyang natawag na anak ang kanyang panganay na supling.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Walang naririnig si Sebastian mula sa kabilang linya. Hanggang makarinig siya ng isang tikhim mula kay Arthur.
Arthur: Bakit kayo napatawag? And where did you get my number?
Pormal ang tono ng boses ni Arthur. Parang gustong madurog ng puso ni Sebastian.
Sebastian: Hi-hindi mahirap para sa akin na malaman ang numero mo, Arthur. Uhm... I-I miss you, anak.
Mahabang katahimikan ang muling namagitan bago nagsalitang muli si Arthur mula sa kabilang linya.
Arthur: Too many years have passed. I'm now living a peaceful life with my wife and your granddaughter.
May diin sa bawat salitang binitiwan ni Arthur. Nahihimigan ni Sebastian sa tinig ng boses ng anak ang hinanakit.
Granddaughter. Kumislap ang mga mata ni Sebastian sa impormasyong iyon.
Sebastian: M-my granddaughter. What's her name?
Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan ni Arthur mula sa kabilang linya.
Arthur: Stephanie. Stephanie Guerrero.
Napapikit si Sebastian. Napakaganda ng pangalan ng kanyang apo. Hindi niya alam kung bakit hindi nabanggit sa kanya ng kanyang private investigator ang tungkol sa kanyang apo.
Sebastian: C-can I see her, anak?
Sa puntong iyon ay tumaas ang tono ng boses ni Arthur.
Arthur: Why exactly are you calling me? Suddenly you're interested to see my daughter after so many years?
Napapikit si Sebastian. Nasasaktan siya sa nahihimigang tampo at galit sa tinig ng boses ni Arthur.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
قصص عامةSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...