Sa loob ng isang studio ay naroon ang bida ng kwentong "Familia Guerrero" ni Mr. WOM na si Jomari.
Jomari: Buen día to all readers of "Familia Guerrero". This is Jomari Guerrero Almazan representing all the members of my clan.
Masiglang tumawa si Jomari matapos sabihin iyon at kumaway sa harap ng camera.
Jomari: Just a fun trivia. Ang first working title ng kwentong ito ay "Jomari" since ako nga ang bida rito. Then naging "Jomari Almazan".
Sandaling tumingin si Jomari sa likod ng camera para silipin si Mr. WOM.
Jomari: Pero naisip ni Mr. WOM na walang dating ang "Jomari Almazan", so he changed it to "Jomari Guerrero". Kaso naisip ni Mr. WOM na walang sense ang "Jomari Guerrero" since my surname is Almazan.
Natawa pa sandali si Jomari bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.
Jomari: Pero noong ni-review ni Mr. WOM ang plot ng story, naisip niyang gawing "Familia Guerrero" ang title since lahat ng members ng clan ay may kanya-kanyang side story na magko-connect sa akin.
Nagkibit-balikat si Jomari.
Jomari: Kaya hayun, "Familia Guerrero" ang na-finalize na title ni Mr. WOM. Pero syempre, ako pa rin ang nag-iisang bida sa kwentong ito.
Tumawa si Jomari matapos sabihin iyon.
Jomari: Anyway, nandito ako para magpasalamat sa readers ng "Familia Guerrero" sa inyong patuloy na pagbabasa ng kwentong ito. Muchas gracias.
Nag-flying kiss pa si Jomari sa harap ng camera.
Jomari: At dahil diyan, may treat si Mr. WOM para sa inyong loyal readers ng "Familia Guerrero". Magsusulat ng special chapter si Mr. WOM para sa kwentong ito na ilalabas bago ang final chapter.
Nakangiting tumango si Jomari bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Jomari: At ang mababasa ninyong character sa special chapter ay ang mananalong paboritong Familia Guerrero family member ng karamihan sa voters.
Tumikhim-tikhim si Jomari.
Jomari: Ahem, ahem, ahem. Baka naman, guys, pwede ninyo akong piliin? Pumapangalawa na ako. Pero syempre, choice niyo pa rin ang masusunod.
Dinampot ni Jomari ang chart ng family tree ng Familia Guerrero sa ibabaw ng table na nasa kanyang tabi at iniharap sa camera.
Jomari: Pwede ninyong piliin ang aking Lolo Sebastian. O pwede ring manggaling ang inyong choice sa mga anak ni Lolo Sebastian na sina Mommy Elizabeth, Tito Arthur, Tito Theo, Tita Charlotte, at Tita Anastasia.
Itinuturo ni Jomari sa chart ng family tree ng Familia Guerrero ang bawat miyembro ng pamilya.
Jomari: O pwede ring isa sa mga manugang ni Lolo Sebastian na sina Daddy Ryan, Tita Mildred, Tita Helena, at Tito Oscar.
Itinaas pa ni Jomari ang chart ng Familia Guerrero family tree para mas makita sa camera.
Jomari: You can also pick one between my siblings, Edward and Eugenie. O pwede ring isa sa aking mga babaeng pinsang sina Amethyst, Louise, and, of course, ang magandang si Stephanie.
Dahan-dahang inilapag ni Jomari ang Familia Guerrero family tree chart sa ibabaw ng table.
Jomari: At syempre pwedeng-pwedeng ako ang piliin ninyo, readers!
Malakas na tumawa si Jomari matapos sabihin iyon.
Jomari: Okay, guys. Time for me to go. Abangan ang update ng "Familia Guerrero" every first Monday and every third Monday of the month. Adios!
----------
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
General FictionSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...