THIRD PERSON POV
Palinga-linga sa paligid si Elizabeth habang nakatayo sa labas ng pintuan ng home library ng mansyon ng Familia Guerrero.
Kanina ay nakita ni Elizabeth na pumasok ang kanyang amang si Sebastian at ang kanyang Kuya Arthur sa loob ng malaking home library kaya naman naisipan niyang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito.
Dahil sa soundproof ang lahat ng kwarto sa loob ng malaking mansyon ng pamilya Guerrero kaya imposibleng marinig ni Elizabeth ang pinag-uusapan nina Sebastian at Arthur sa loob ng home library.
Ang balak ni Elizabeth ay buksan ng bahagya ang pintuan ng home library.
Kaya naman palinga-linga si Elizabeth sa paligid ngayon para masigurong walang makakakita sa gagawin niyang pang-i-eavesdrop sa pag-uusap ng kanyang ama at ng kanyang panganay na kapatid.
Nakasarado ang lahat ng kwartong malapit sa home library. Wala ring umaakyat sa grand staircase ng mansyon.
Nang masigurong wala ng magiging sagabal sa kanyang gagawin ay dahan-dahan nang binuksan ni Elizabeth ang pintuan ng home library.
Bahagya lamang ang pagkakabukas ni Elizabeth sa pintuan para hindi iyon makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa loob ng home library.
Nakararamdam ng kaba si Elizabeth ngunit nilalakasan niya ang kanyang loob dahil may pakiramdam siyang mahalaga ang pag-uusapan ng amang si Sebastian at ng kapatid na si Arthur.
Sebastian: Wala ka na bang balak bumalik sa company natin, Arthur? Sa tingin ko ay mas mapapamahalaan mo ng maayos iyon kaysa kay Theo.
Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth sa narinig na iyon na sinabi ng kanyang ama.
Mula nang nilisan ni Arthur ang mansyon ilang taon na ang nakararaan ay ang kapatid na niyang si Theo ang humawak sa mga responsibilidad sa company ng kanilang pamilya na iniwan ni Arthur.
Nagkaroon ng hinanakit si Elizabeth sa kanyang amang si Sebastian nang dahil doon dahil siya ang pangalawang anak nito ngunit ang pangatlong anak nitong si Theo ang sumalo sa mga iniwang responsibilidad ng panganay nitong anak na si Arthur.
Ilang beses inilaban ni Elizabeth kay Sebastian na sa kanya rapat ibinigay ang posisyon sa company na iniwan ni Arthur ngunit ilang beses din siyang tinanggihan ng ama at lagi nitong sinasabi na mas makabubuti kung lalaki ang mamahala ng kanilang company.
Matagal na panahong dinamdam iyon ni Elizabeth dahil hindi niya matanggap ang rasong ibinigay sa kanya ng ama.
Nakasisiguro si Elizabeth na may mas malalim pang dahilan ang kanyang ama kung bakit hindi nito gustong siya ang mamahala ng company na itinatag ng kanyang abuelo at abuela.
At ngayong nagbabalik nga sa mansyon ang kapatid ni Elizabeth na si Arthur ay iniaalok dito ng kanilang ama na bumalik ito sa kanilang company para muli iyong pamahalaan.
Humigpit ang kapit ng kaliwang kamay ni Elizabeth sa seradura ng pintuan ng home library at ikinuyom niya ang kanyang kanang palad dahil sa panibughong kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Ilang taong inilaban ni Elizabeth sa kanyang amang si Sebastian ang posisyong iyon sa company ngunit ilang beses din siyang tinanggihan.
Pero ngayon ay napakadali para kay Sebastian na ialok ang posisyong iyon kay Arthur.
Si Arthur na matagal na nawala matapos nitong lisanin ang mansyon kasama ang dati nitong kasintahan na ngayon ay misis na nitong si Mildred.
Ikinasasama ng loob ni Elizabeth iyon.
Kung ialok ng ama ni Elizabeth kay Arthur ang posisyong iyon ay para bang hindi nawala si Arthur nang napakahabang panahon.
Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
General FictionSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...