CHAPTER 10

392 7 8
                                    

THIRD PERSON POV

Nakataas ang kanang kilay ni Elizabeth habang nakahalukipkip sa likuran ng kanyang asawang si Ryan sa loob ng kanilang kwarto.

Naghahanda na si Ryan para sa pagpasok nito sa opisina sa kompanya ng Familia Guerrero ngunit si Elizabeth ay hindi pa rin ito tinatantanan tungkol sa ginawa nitong parusa sa anak nilang si Eugenie.

Elizabeth: You don't have the right to treat my son like that, Ryan. How ruthless of you to punish our son by making him sleep in one of the rooms at the servant's quarter!

Tumataas na ang tono ng boses ni Elizabeth dahil simula pa kagabi ay nagpupuyos na ang kanyang kalooban nang malamang natutulog sa loob ng isa sa mga kwarto ng servant's quarter ang anak niyang si Eugenie.

Agad tumungo ng servant's quarter si Elizabeth para puntahan sa isa sa mga kwarto roon si Eugenie at palipatin ito sa sarili nitong kwarto.

Elizabeth: I've been protecting our sons since time immemorial, Ryan. You can't humiliate them just because of a worthless car tire damage.

Umikot si Ryan mula sa pagtingin sa sariling reflection sa salamin para harapin si Elizabeth habang inaayos ang suot nitong kurbata.

Elizabeth: Even Edward. Even though he's not---

Hindi itinuloy ni Elizabeth ang kanyang sasabihin at iniwas ang mga mata mula sa pagkakatitig kay Ryan.

Elizabeth: Still, I will also protect Edward like how I protect Jomari and Eugenie.

Naningkit ang mga mata ni Ryan kay Elizabeth.

Ryan: Diyan! Diyan ka magaling. Ang kunsintihin ang bunso mo. Sinadya nilang sirain ni Amethyst ang mga gulong ng kotse ni Louise. Pinarusahan ko lang si Eugenie para---

Hindi natapos ni Ryan ang sasabihin nito rahil biglang nagsalita si Elizabeth.

Elizabeth: And so? Louise is not a Guerrero for Pete's sake, Ryan. Ang kotseng ginagamit niya ay mula sa pera ng company ng pamilya rahil sa kapatid kong si Charlotte. Hindi niya pinaghirapan ang kotseng iyon.

Dinuro ni Elizabeth si Ryan.

Elizabeth: Of all people, you're the one who should be taking our son's side! Not punishing him just because of a parasite who is lucky enough to breathe the same air that we, Guerreros, have been breathing!

Nag-igting ang panga ni Ryan dahil sa sinabing iyon ni Elizabeth.

Ryan: You're unbelievable!

Ikinuyom ni Ryan ang dalawang palad nito rahil sa nararamdamang galit para sa asawang si Elizabeth.

----------

Nanginginig ang mga kamay ni Helena habang tinitingnan mula sa screen ng kanyang phone ang larawan ng hubad na katawan ng kanyang asawang si Theo habang may nakayakap na bisig ng lalaki sa baywang nito.

Helena: Hindi. Hindi totoo ito.

Sa larawang iyon ay kitang-kita ni Helena na nakahiga sa ibabaw ng isang hotel bed ang kanyang asawang si Theo habang nakasandal ito sa dibdib ng isang lalaking mukhang nakahubad din.

Hindi kita ang mukha ng kasamang lalaki ni Theo sa larawan.

Hindi makapaniwala si Helena sa natuklasan niyang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. All these years ay itinatago ni Theo mula sa kanya ang totoo nitong pagkatao.

Isang anonymous sender ang nagpadala kay Helena ng larawang iyon na ngayon ay tinitingnan na rin ng kanyang kalaguyong si Edward dahil kasama niya ito ngayon sa loob ng kanilang kwarto ni Theo.

Familia GuerreroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon