THIRD PERSON POV
Napataas ang isang kilay ni Elizabeth nang muli na naman niyang makitang hinahawak-hawakan ng kanyang hipag na si Helena ang bagong pares ng earring nito at pagkatapos ay paismid na titingin sa kanyang direksyon.
Naroon si Elizabeth sa loob ng malaking sala ng mansyon ng Familia Guerrero at nakaupo sa Chesterfield sofa habang nagbabasa ng fashion magazine.
Nasa kasarapan nang pagbabasa ng magazine si Elizabeth nang biglang pumasok sa loob ng sala si Helena at inistorbo ang kanyang pananahimik dahil sa lakas ng tunog ng paglalakad nito suot ang bago nitong high heels.
Wala naman sanang balak si Elizabeth na bigyan ng atensyon ang kanyang madalas na makaaway na hipag kung hindi lamang niya nararamdaman ang mga titig nito sa kanya mula pa kanina.
At sa tuwing ibabaling ni Elizabeth ang kanyang atensyon kay Helena na nakaupo sa settee sa loob ng malawak na sala ay bigla itong iiwas ng tingin kasabay ng paghawak-hawak nito sa bago nitong pares ng filigree silver earrings at pagkatapos ay paismid na titingin kay Elizabeth.
Matagal nang may tensyon sa pagitan nina Elizabeth at Helena rahil ang tingin ni Elizabeth ay gusto siyang malamangan ng hipag pagdating sa mga materyal na bagay na mayroon siya.
Palaging pini-pressure ni Helena ang asawa nitong si Theo na kapatid ni Elizabeth na bilhan ito ng asawa ng mga mamahaling gamit na sa tingin ni Helena ay mas expensive kaysa sa mga gamit ni Elizabeth.
Marahang inilapag ni Elizabeth ang kaninang binabasang magazine sa ibabaw ng center table at malakas na tumikhim.
Nakikita ni Elizabeth sa kanyang peripheral vision na nakatuon na sa kanya ang buong atensyon ni Helena.
Nagsalita si Elizabeth nang hindi tumitingin sa direksyon ni Helena.
Elizabeth: Ang mahirap sa ibang tao rito sa mansyon kung umasta ay akala mo ka-level ng mga taong may dugong Guerrero. When in fact ay sampid lang naman.
Narinig ni Elizabeth ang malakas na pagsinghap ni Helena mula sa kanyang gilid.
Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Elizabeth.
Elizabeth: Akala siguro ay ganoon kamahal ang suot niyang pair of filigree silver earrings para ipangalandakan sa akin. Ang cheap.
Sinadyang habaan ni Elizabeth ang pagkakasabi ng salitang "cheap" for emphasis.
Lumawak ang pagkakangisi ni Elizabeth nang makita niya sa kanyang peripheral vision ang pagtayo ni Helena mula sa pagkakaupo nito sa settee.
Nakangising tumingala si Elizabeth kay Helena nang tumayo ito sa kanyang harapan at yukuin siya.
Nakahalukipkip si Helena habang nakatunghay kay Elizabeth.
Elizabeth: Yes, Helena? What can I do for you?
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi ni Elizabeth.
Helena: Pinariringgan mo ba ako?
Umaktong parang isang inosente si Elizabeth at sa kunwaring naguguluhang mukha ay itinuro ang sariling dibdib.
Elizabeth: Who? Me? Why, Helena? Are you wearing a not-that-so-expensive filigree silver earrings? Oh my. Is my sister-in-law guilty of being cheap?
Umarte pa si Elizabeth na parang concerned siya kay Helena.
Maarteng idinikit ni Elizabeth ang dulo ng kanyang tatlong daliri sa mga nakabukang labi sa pagkukunwaring na-shock siya.
Elizabeth: Oh my, dear sister-in-law. You know being cheap is such a crime in this mansion. Don't go that low, Helena.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
Genel KurguSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...