CHAPTER 3

732 6 2
                                    

THIRD PERSON POV

Isa-isang idinidikta ni Elizabeth sa event organizer na si Alexis Ricafrente ang kanyang mga gustong mangyari para sa nineteenth birthday ng bunsong anak na si Eugenie.

Elizabeth: I want the best and grandest birthday for my son, Alexis. Gusto kong pag-usapan ng buong bayan ang magiging kaarawan ng aking anak. Talk of the town.

Eksaherado pang pumalakpak si Elizabeth at malaki ang pagkakangiti kay Alexis.

Si Alexis ay sunud-sunod ang ginawang pagtipa sa laptop nito at pagsusulat sa maliit nitong notepad.

Nasa malawak na hardin ng Familia Guerrero sina Elizabeth at Alexis. Nakaupo sila sa dalawang wicker chairs na naroon sa hardin sa harap ng round table made in rattan.

Alexis: How many tables do you need, Mrs. Almazan, given that you have more than three hundred guests?

Ngumuso si Elizabeth.

Elizabeth: Hmmm... I want one family per table. Then magkakasama iyong mga guests na pupunta ng solo. I'll send you the list of guests and copies of the invites para malaman mo kung ilang pamilya ang pupunta at kung gaano karami 'yong solo.

Tumango-tango si Alexis.

Alexis: How about the foods? Any particular delicacies?

Malakas na tumawa si Elizabeth.

Elizabeth: Oh, I already attached the list of preferred foods to the email I sent to your assistant yesterday.

Tumaas ang dalawang kilay ni Alexis bago tumango-tango.

Elizabeth: I'm really sorry for the short notice, Miss Ricafrente. Biglang nagsabi ang aking unang kinuhang event organizer na hindi na ito makakapag-commit sa amin. Kaya agad-agad akong naghanap ng magaling na event organizer. One of my amigas recommended your service and the reviews I read online are really impressive.

Ngumiti lang si Alexis sa mga sinabi ni Elizabeth.

Elizabeth: I was so excited kaya naman sinabi ko na ang aking plans for my son's birthday sa assistant mo yesterday and I already emailed him the lists of everything.

Muling tumango-tango si Alexis.

Alexis: I see. I haven't seen my assistant since yesterday afternoon at kaninang umaga ay bumiyahe agad ako rito. Don't worry. I'll talk to my assistant. Pero much better na rin na pag-usapan natin dito personally lahat ng expectations mo for the event para hindi magkaproblema.

Matamis na ngumiti si Elizabeth.

Elizabeth: Oh sure, Miss Ricafrente. Halika. I'll show you around sa buong venue.

Tumayo si Elizabeth mula sa pagkakaupo. Gayundin si Alexis. Side-by-side ay sinimulang ilibot ni Elizabeth si Alexis sa malaking hardin ng Familia Guerrero habang muling idini-discuss kay Alexis ang plano para sa kaarawan ni Eugenie.

Elizabeth: Do you have any idea how many hectare---

Naputol ang pagsasalita ni Elizabeth nang makita ang asawang si Ryan na lumabas mula sa gilid ng isang tall hedge. Pinupunasan pa nito ang labi.

Elizabeth: Ryan?

Nagulat si Ryan nang makita ang misis na si Elizabeth at ang babaeng kasama ng asawa.

Mabilis din namang nakabawi mula sa pagkagulat si Ryan.

Ryan: Oh, Elizabeth. How's your day, hon?

Lumapit si Ryan kay Elizabeth at umakbay sa misis nito.

Nagdududang tiningnan ni Elizabeth si Ryan bago ipinakilala kay Alexis.

Elizabeth: Hon, I want you to meet Alexis Ricafrente. She's the event organizer for Eugenie's upcoming nineteenth birthday.

Familia GuerreroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon