CHAPTER 15

175 5 0
                                    

THIRD PERSON POV

Sa ilalim ng dutsa ay nakapikit na ninanamnam ni Elizabeth ang tubig na lumalabas mula roon habang dahan-dahang ikinakalat sa kanyang katawan ang body wash gamit ang loofah.

Sa malawak na imahinasyon ni Elizabeth ay hindi loofah ang naglalakbay sa kanyang katawan kundi ang mga kamay ng lalaking kanyang pinapantasya gabi-gabi. Iniisip niya na ang madulas na sabong lumilinis sa kanyang katawan ay ang dila ng lalaking kanyang pinagnanasaan.

Sa isipan ni Elizabeth ang mga tubig na pumapatak at dumadaloy sa kanyang katawan ay ang mga likidong nagmumula sa malaking alaga ng lalaking kanyang iniibig.

Araw-araw ay ganito ang nangyayari sa loob ng shower area ng en suite bathroom ng kwarto ng mag-asawang Ryan at Elizabeth Almazan. Sinisimulan ni Elizabeth ang kanyang araw sa pagpapantasya sa lalaking bumubuhay ng init sa kanyang katawan at siya ring kanyang iniibig.

Ang lalaking pumalit kay Ryan Almazan sa puso ng isang Elizabeth Guerrero Almazan ay walang kamalay-malay sa pagpapantasyang ginagawa rito ng babae.

Elizabeth: I don't know how long I can be able to contain what I feel for you. You are such a forbidden fruit.

Nakapikit na ibinulong iyon sa hangin ni Elizabeth na sinundan nang pagbulwak ng kanyang mga katas na dumaloy pababa sa kanyang mga hita.

----------

Nagulat si Mildred nang makita niya sa kanyang tabi sa balcony ng ikalawang palapag ng mansyon ng Familia Guerrero ang kanyang biyenang si Sebastian Guerrero. Agad na ngumiti si Mildred sa ama ng kanyang asawa.

Ngunit si Sebastian Guerrero ay diretso lamang ang tingin sa malawak na hardin sa labas ng mansyon. Nakapamulsa ito at maya-maya ay pumikit at lumanghap ng sariwang hangin.

Sebastian: Sadyang masarap ang mamuhay dito sa probinsya. Simple, tahimik, sariwa at preskong hangin. Hindi ba, Mildred?

Ngumiti si Mildred sa sinabi ni Sebastian habang ang matandang lalaki ay nakatanaw pa rin sa hardin na punung-puno ng iba't ibang uri ng bulaklak at mga halaman. Makikita rin doon ang napakaraming matataas na hedges.

Sebastian: Malayo sa magulo at maingay na mundo kung saan kayo nakatira rati nina Arthur at Stephanie.

Sa puntong iyon ay nilingon na ni Sebastian si Mildred at ngitian ang manugang.

Sebastian: That's why I'm glad Arthur came back here in San Christopher together with his family. You and Stephanie.

Sandaling yumuko si Mildred at nang muli niyang iangat ang tingin kay Sebastian ay nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi.

Mildred: Ako po dapat ang magpasalamat sa inyo, Papa, dahil tinanggap niyo na po ako sa pamilyang ito.

Umiwas ng tingin si Sebastian kay Mildred at muling itinuon ang mga mata sa labas ng mansyon.

Sebastian: Nakaraan na iyon, Mildred. Ang anumang nangyari ilang taon na ang nakararaan ay kailangan nang ibaon sa limot.

Habang nakatanaw si Sebastian sa malawak na hardin ay nakatuon naman ang mga mata ni Mildred sa likod ng biyenan at tuluyan nang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Familia GuerreroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon