THIRD PERSON POV
Puno ng pasasalamat ang mukha ni Elizabeth habang inihahatid sa labas ng main entrance door ng mansyon ng pamilya Guerrero ang kanilang family doctor na si Philbert Rosentos.
Elizabeth: Maraming, maraming salamat, Doctor Rosentos. We were so worried nang makitang himatayin si Papa kanina. Matagal na mula nang huli siyang himatayin. Thank goodness at hindi rahil sa atake ng puso.
Ikinulong ni Elizabeth sa kanyang dalawang palad ang kaliwang kamay ni Philbert.
Elizabeth: Thank you so much for always taking good care of my Papa's health condition, Doctor Rosentos.
Ngumiti si Philbert kay Elizabeth at tumango.
Philbert: Mabuti na lang din at birthday ng iyong bunsong anak kaya narito ako sa mansyon ninyo ngayon. Hayaan ninyo na munang magpahinga si Sebastian.
Binawi ni Philbert ang kaliwang kamay nito mula sa pagkakakulong ng mga palad ni Elizabeth at tinapik ang kanang balikat ng babae.
Philbert: Please make sure na walang anumang bagay ang maaaring maging dahilan para manikip ang dibdib ng inyong Papa, Elizabeth. Tumatanda na siya. Hindi rin makabubuti sa kanyang kalusugan kung mai-stress siya.
Marahang binawi ni Philbert ang kaliwang kamay nito na nakapatong sa kanang balikat ni Elizabeth.
Marahang tumango si Elizabeth kay Philbert.
Philbert: Kahit pa sabihing hindi rahil sa atake ng puso ang nangyaring pagkahimatay ni Sebastian kanina ay mas makabubuti pa ring mag-ingat tayo. Baka next time ay hindi na syncope ang mangyari sa kanya? Huwag naman sana.
Muling tumango si Elizabeth.
Elizabeth: Sisiguraduhin ko ring paaalisin ko ang taong naging dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso ni Papa kanina, Doctor Rosentos.
Malalim na nagbuntung-hininga si Philbert at pagkatapos ay umiling.
Philbert: Siguro ay aalis na ako, Elizabeth. Malalim na rin ang gabi. Happy birthday muli sa iyong anak na si Eugenie.
Nakangiting tumango si Elizabeth kay Philbert.
Elizabeth: Thank you once again, Doctor Rosentos. Mag-iingat kayo.
Tumango si Philbert at pagkatapos ay tumalikod na at naglakad patungo sa kotse nito.
Inihatid ng tanaw ni Elizabeth si Philbert hanggang makasakay ang doktor sa loob ng kotse nito.
Wala na sa driveway ng malawak na bakuran ng pamilya Guerrero ang sasakyan ni Philbert nang lingunin ni Elizabeth ang mga kasambahay na naglilinis sa lugar kung saan idinaos ang nineteenth birthday ng kanyang anak na si Eugenie.
Nakita ni Elizabeth ang bunsong kapatid na si Charlotte na kinakausap ang press at may iniaabot na sobre sa mga ito. Chini-check din ni Charlotte ang mga camera na dala ng press.
Tulad nang nakagawian ni Charlotte ay binabayaran nito ngayon ang press para huwag maglabas ng anumang balita o anumang larawan tungkol sa nangyaring kaguluhan kanina.
Typical Charlotte Guerrero-Chavez. Kumikilos agad ito para hindi masira ang imahe, reputasyon, at pangalan ng Familia Guerrero.
Kanina bago mag-alisan ang mga bisita ng bunsong anak ni Elizabeth para sa kaarawan nito ay isa-isang ch-in-eck ni Charlotte ang phone ng mga bisita para malaman kung kinuhanan ng mga ito ang panggugulo ng babaeng nagngangalang Anastasia isang oras na ang nakararaan.
Tumanggi ang ilan sa mga bisita ngunit sa huli ay napahinuhod din naman ang mga ito rahil siniguro ni Charlotte na ang mga mismong bisita ang hahawak sa kani-kanilang mga phone habang ginagawa ang pagchi-check.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
General FictionSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...