THIRD PERSON POV
Dahan-dahang pumasok si Elizabeth sa loob ng opisina ng kanyang kapatid na si Theo habang abala ito sa pagtatrabaho. Nakangiti siyang lumakad patungo sa harap ng office table nito at umupo sa isa sa dalawang upuang naroon.
Kumunot ang noo ni Theo nang tuluyang makuha ang atensyon nito ng kapatid na si Elizabeth. Hindi nito inaasahan ang pagbisitang iyon ng kapatid sa kanilang kompanya.
Theo: So, whom do I owe this sudden company visit from my eldest sister? These past few months ay bihira ka na lamang bumisita rito sa company.
Nakita ni Elizabeth na ngumiti ang kanyang kapatid sa kanya ngunit sandali lamang iyon at nababanaag pa rin niya ang lungkot sa mga mata ni Theo.
Sigurado si Elizabeth na iniinda pa rin ng kanyang kapatid ang sakit na dulot ng pagpanaw ng asawa nitong si Helena mag-iisang buwan na ang nakararaan. At pabor iyon para kay Elizabeth dahil kung distracted ang kanyang kapatid ay maaari iyong makaapekto sa performance nito sa trabaho at may posibilidad na akuin muna ng kanyang asawang si Ryan ang responsibility ni Theo sa company bilang Chief Executive Officer.
Elizabeth: I was bored so I decided to pay our company a visit. I'm sure our employees here are dying to see me again. You can't blame them, my dear brother.
Nagkibit-balikat si Elizabeth sa harapan ni Theo.
Elizabeth: I look exactly like our Mama Andromeda.
Marahang tumawa si Elizabeth at maya-maya ay lumambong ang mukha nang muling maalala ang kanilang namayapang ina ni Theo na si Andromeda Guerrero.
Napailing na lamang si Theo sa sinabi ni Elizabeth.
Theo: Napuntahan mo na ba ang asawa mong si Ryan? If I'm not mistaken, he's at the factory right now. Kilala mo ang asawa mo. Very hands-on.
Isa sa dahilan kung bakit biglaang bumisita sa food processing company ng kanilang pamilya si Elizabeth ay para malaman kung may mga kahina-hinalang ginagawa ang kanyang asawang si Ryan sa kanilang kompanya.
Lately ay napapansin ni Elizabeth ang napapadalas na late na pag-uwi ni Ryan sa mansyon ng Familia Guerrero at hindi maganda ang kanyang pakiramdam roon. Lalo na kung madaling-araw na itong umuuwi.
Hindi pa rin nawawala sa isipan ni Elizabeth ang mga nakita niyang kalmot sa likod ng kanyang asawa na sinabi nitong maaaring tumama lamang sa barbed wire. Para sa kanya ay nakakaduda ang rasong iyon.
Maaaring hindi na mahal ni Elizabeth ang kanyang asawang si Ryan pero sa mata ng lahat ay asawa niya pa rin ito at kung may ginagawa mang kalokohan o kabalastugan ang kanyang mister ay paniguradong madadamay ang kanyang pangalan.
At iyon ang hindi gustong mangyari ni Elizabeth. Ang marumihan ang kanyang iniingatang pangalan dahil lamang sa kanyang asawa.
Elizabeth: Of course, as the Chief Operations Officer, dapat i-monitor ni Ryan ang day-to-day operations ng kompanya.
Matamis na ngumiti si Elizabeth kay Theo.
Elizabeth: Masipag ang asawa ko and I think he's fit for the Chief Executive Officer position.
Napataas ang dalawang kilay ni Theo dahil sa sinabi ni Elizabeth at hindi na ito nakapagsalita pa nang tumayo na si Elizabeth mula sa kanyang kinauupuan at patawa-tawang naglakad patungo sa pintuan ng opisina ni Theo.
Bago tuluyang lumabas ng opisina ni Theo ay lumingon pa si Elizabeth sa kanyang kapatid.
Elizabeth: Kaya kung ako ikaw, Theo, lalo pa akong magsisipag.
Nang tuluyan nang sumara ang pintuan ng opisina ni Theo ay biglang naningkit ang mga mata nito habang bumubulong sa hangin.
Theo: So Ate Elizabeth hasn't given up on her dreams yet.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
General FictionSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...