THIRD PERSON POV
Mula nang kumalat sa buong bayan na iyon ang balitang pumanaw na si Helena Guerrero ay hindi na naubos ang iba't ibang haka-haka ng mga taong nakatira sa bayang iyon tungkol sa kung bakit nawala na ang isa sa mga miyembro ng Familia Guerrero.
Marami ang nagsasabing matagal nang may nakamamatay na sakit si Helena na itinago lamang ng buong pamilya Guerrero para hindi masira ang pangalang iniingatan ng mga ito. Hindi raw nagamot ng maayos si Helena na naging resulta ng pagkawala nito.
Hindi rin nawala ang usap-usapang pinasok ng masasamang-loob ang mansyon ng pamilya Guerrero at dahil nanlaban daw ang ilan sa mga miyembro ng pamilya kaya hindi naiwasang manakit ng mga masasamang-loob at si Helena Guerrero raw ang napuruhan ng mga ito. Sinasabi pa ng ibang tao na kaya wala raw nahuling mga magnanakaw ay dahil gumanti raw ang pamilya Guerrero sa ginawa ng mga masasamang-loob at tinapos din ang buhay ng mga ito.
Isa pa sa mga tsismis na umabot sa pamilya Guerrero ay ang pagkakatuklas daw ni Theo Guerrero tungkol sa pagkakaroon ng ibang lalaki ni Helena Guerrero na naging dahilan para magdilim ang paningin ng lalaki at tapusin ang buhay ng sariling asawa. Sobrang nakaapekto ang gawa-gawang kwentong ito kay Theo na nakadagdag sa bigat ng nararamdaman nito rahil sa pagkawala ng asawa.
Ngunit ang pinakahindi matatanggap na gawa-gawang balita ng pamilya Guerrero ay isa raw sa miyembro ng pamilya ang inilagay sa mga kamay nito ang buhay ni Helena.
Nang marinig ni Sebastian ang walang basehang balitang iyon ay biglang nanikip ang dibdib nito na naging dahilan para isugod ito sa hospital nang wala sa oras. Kasabay ng pag-aayos para sa burol ni Helena ay naka-confine din sa hospital si Sebastian Guerrero.
Ang mag-amang Theo at Amethyst, katulong sina Charlotte at Mildred, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin sa private funeral service para sa namayapang si Helena.
Mabuti na lamang ay naroon sina Charlotte at Mildred para maging kaagapay ni Theo sa pag-aasikaso ng mga kailangan para sa private funeral dahil halos walang naitutulong si Amethyst sa ama nito. Oras-oras ay lumuluha si Amethyst at ipinagluluksa nito ang pagkawala ng inang si Helena.
Sa tuwing lumuluha si Amethyst ay hinahawak-hawakan nito sa kamay nito ang gold necklace na iniregalo ni Helena rito. Iyon na pala ang huling regalong matatanggap ni Amethyst mula sa ina nito.
Hinding-hindi malilimutan ni Amethyst ang mga sinabi ng inang si Helena nang araw na ibigay nito ang gold necklace sa anak.
Helena: That's not a gift, anak. That's a reminder of how much I love you, Amethyst. Mahal na mahal kita.
Dahil sa sinabing iyon ni Helena kaya alam ni Amethyst na rapat nitong alagaan ang gold necklace na isang palatandaan kung gaano kamahal si Amethyst ng ina nito.
Helena: Amethyst, anak, kahit anong mangyari, always remember that Mommy loves you so much. Okay?
Sa naalalang sinabing iyon ni Helena ay napaisip si Amethyst kung paraan ba iyon ng ina nito para ipahiwatig na mawawala ito ilang oras matapos ang naging pag-uusap nilang iyon.
Napatanong pa sa isipan nito si Amethyst kung noong araw ba na iyon ay may dinaramdam na ang ina nito o kung may iniinda itong sakit. Walang ibang naiisip na dahilan si Amethyst kung bakit gagawin ng ina nito ang ginawa nito sa sarili.
Ngunit naalala rin ni Amethyst ang nakita nitong tumulong luha sa pisngi ng ina habang sila ay nag-uusap.
Amethyst: Why are you tearing up, Mom?
Ngumiti si Helena kay Amethyst at umiling.
Helena: Huwag mong intindihin si Mommy, anak. Masaya lang ako for having a daughter like you. Kahit anong sabihin nila sa 'yo, always remember that Mommy is here for you to lean on.
BINABASA MO ANG
Familia Guerrero
Ficción GeneralSi JOMARI GUERRERO ALMAZAN. Magiging biktima ng bawal na pag-ibig. Sa mundong puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, magagawa kayang ipaglaban ang pagmamahalang sa simula pa lamang ay labag na sa mata ng tao? ---------- This work contains themes of...