26

12 2 0
                                    

TW:  Crime and Violence

"Know what, Marshall's graduating with flying colors in the same law school like yours, Kienne!" puno ng pagmamalaking banggit ni tita Lauren na kapatid ni mommy. 

Napalunok ako bago bumaling ng tingin sa anak nitong si Marshall. 

Balitang balita sa buong uni ng DSU na mukhang naka-laude nga ang binata. As his mother's praising everything about his achievements, he just eat his wagyu steak like it's the only thing that matters now. 

 Good for him. He survived. How I wish I also could. 

 Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay hindi ko makapa ang aking sarili. I feel like I already lose my direction. Pakiramdam ko sa ngayon ay naligaw ako ng landas. Sa lugar na hindi ako pamilyar at ni minsan ay hindi ko ninais na tahakin. 

Mukhang naramdaman ng binata ang aking paninitig sa kanya dahil bigla itong nagtaas ng tingin sa akin. Nakataas ang isang kilay nito sa akin na tila ay nagtatanong. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil sa pagkailang. 

"I'm sure our future attorney will graduate like Marshall someday." Taas-noong sabi ni lolo sa lahat ng tao sa hapag. "I know one day she will." he added full of conviction in his tone. 

"That will happen with no doubt. Thus, even if Yen's in a relationship, my daughter knows her priorities." pagmamalaki ni mommy. "Oh, I almost forgot! How's your finals?" 

Bumilis lalo ang pintig aking dibdib. Isang tanong na kanina ko pang pinaghahandaan na akala ko ay handa na akong sagutin. Ngunit tila yata nablangko ang aking utak at pakiramdam ko ay nakamasid ang lahat sa aking bawat galaw na isang maling salita o galaw ko ay mababasa nila ako.

I tried to act casually. Tumikim muna ako ng pavlova sa aking plato na kanina pang hindi nagagalaw. I didn't even try to look up because I feel like if I did they'll end up knowing. 

 "It's just as usual." Nang mag-angat ako ng tingin ay namataan ko ang bahid ng pagkatuwa sa mukha ng aking ama. 

 I wonder, if I ended up telling them the truth, will he still have that proud smile in his lips? O iisipin nyang napakabobo at napakatanga ko dahil hindi ko naipasa ang sem?

Tila may kung anong pumiga sa aking dibdib sa isiping iyon.Nangingilid ang luha ko habang nakatingala sa kalangitang puno ng mga nagningning na bituwin. I always thought that people who lives with their lies are so horrible. And I just lied with everyone.

Does that mean I'm already horrible? A disappointment and disgrace?

Pakiramdam ko ay dahil sa nawala kong direksyon ay hindi ko na kakayanin pang makabalik. Sa mga araw na nagdaan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magbabad sa pagrereview. Sinigurado kong wala akong maliligtangan kahit isa. Itinatak ko na sa isip ko na kailangan kong maipasa ito. I feel like if I fail it's not only my family who'll get disappoint but me. Because I already set standards for myself that I also didn't achieved.

Bigla akong napabaligwas ng bangon nang marinig ang tunog ng alarm clock ko. Hindi ko na namalayang nakatulugan ko na pala ang pagrereview para sa removal exam. Dali-dali akong bumangon sa higaan para agad na makapag-ayos at makaligo. Late na kasi akong nagising kung kaya't nagmamadali akong kumilos ngayon. 

Sa pagmamadali ay basta ko na lang dinampot ang skinny jeans at sky blue long sleeves sa closet ko. Ni hindi ko pa naitutuck-in ng ayos ito ay tumakbo na agad akong palabas ng unit ko papuntang elevator. Halos masira na ang mga pindutan sa elevator sa sobrang kakapindot ko. At pakiramdam ko ay tuluyan na akong masisiraan ng bait nang makarating sa parking ay naalala kong coding nga pala ang kotse ko ngayon. 

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now