21

7 3 0
                                    

"Ano ba naman, bhe! Kaya tayo nadito eh para magsaya hindi para mag review!" alma ni Lumi.

"Oo nga! Aba ante! Di mo na nga pinanood kanta ko kanina eh!" agad namang gatong ni Adie. "Ni ayaw nga man lang magshot!"

Hindi ko mapigilang mapakunot ng noo sa inis dahil sa ingay nila "Sige! Kapag ako pinagrecite ng prof ko ang isasagot ko na lang beer!"

Nagkayayaan kasing magpunta dito sa gig ni Adie dito sa Poblacion. At kahit anong tanggi ko dahil may pasok pa ako at madami ring inaaral ay ayaw nilang paawat kung kaya't sinundo pa ako sa condo.

Fiorie shook her head watching us "Let her.."

Napabuntong-hininga na lang ako at naibaba ang aking hawak na ginawang analysis.

"Ano bang subject yan?" nguso ni Russell na kanina pang nangangain ng pulutan.

Sinita naman sya ni Lumi "Uy! Yung barbecue paubos na sayo bhie!"

"Persons and family relations,"

Kinuha nya ang mga ito at pinasadahan ng basa. Seryoso syang nagbabasa at maya-maya ay nagkakamot ng ulong ibinalik sa akin ito.

"Gagi! Wala akong magets!" kamot nya sa ulo "Nako, tol! Baka lalo ka nang di magkajowa sa sobrang komplikado ng mga inaaral nyo." baling nya kay Stanley.

"Ito ang gusto kong mahirap intindihin may batayan," natatawa nyang turan sabay turo sa mga readings na dala ko habang nakahawak parin ang kamay sa shot glass. "Hindi gaya ng mga babae."

"Grabe ka naman, Stan." pabirong hinampas ni Fiorie ito sa braso.

Natawa na lang ako sa kanila. Stanley's kinda secretive sometimes. Tanda ko tuloy kung pa'no syang magreklamo dahil sobrang matoyoin yung dati nyang girlfriend.

Rupok din naman!

"La na 'kong magets! Parang marriage lang pinakomplikado pa mga terms! Tapos permanent contract daw! Para namang trabaho 'yon!" reklamo ni Russell.

"Ibig sabihin ang pagpapakasal ay kontrata o kasunduan sa dalawang tao. And as you know marriage has no expiration and it's permanent."

Napatango-tango sila na tila ay nauunawaan ang aking sinabi. At kahit ang may sariling mundong si Fiorie ay halatang naagaw ang atensyon. Liban na lang kay Stan na umalis ay matiim na nakikinig ang lahat.

Napanguso si Adie bago magtanong. "Eh.. 'pano kapag ayaw ko na syang maging asawa?"

"Bakit mo kasi pinakasalan, eh.. hihiwalayan mo din naman pala, bhie?!" maingay at natatawang tanong ni Lumi.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Adie at napalingon-lingon para tingnan kung may nakarinig ba kay Lumi. Bago binalingan ng masamang tingin si Lumi.

"Sige! Laksan mo pa, Alumi Rainier! Hindi pa rinig! Tsaka, anong pinakasalan? Hoy! Wala pa akong asawa, noh!" nandidilat ang mga matang asik nya.

Napanguso naman ang isa at napaaktong nagzipper ng bibig. "Sarey,"

"Actually, you're feelings aren't the basis to annul a marriage." kibit ko sa kanya.

"Bakit hindi? Eh, di ba marriage is between the two person with love."

Parang bata syang nakasimangot at animo'y hindi iyon matanggap.

"Well, unfortunately, ang basehan ay ang kanilang psychological incapacity or kawalan nila ng kakayahan na gampanan ang duties and responsibilities nila sa isa't-isa. And it is under Article 34 of Family Code." paliwanag ko.

Fiorie raised her hand "What if they're not annul tapos kunwari yung lalaki may panibagong kinakasama. Eh pa'no yung properties nya dapat ba kahati nya parin yung asawa nya?"

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now