25

15 2 0
                                    

"Ang gwapo naman ni chief! Ang sarap makulong kung ganito kagwapo ang huhuli!" mahinang tili ni Maia habang kinikilig.

Matalim ko syang binalingan ng tingin para matigil sa kahibangan nya. Paniguradong rinig ito ni Raize dahil kahit bulong ay may kalakasan nya itong sinabi. I keep myself composed even if I feel like my chest is about to explode. Gusto na ata akong iwan ng puso ko sa lakas ng kabog na hindi ko malaman kung dahil ba sa kaba o gulat. Pilit kong kinalma ang aking sarili dahil wala namang kakabakaba. Pero agad ko rin namang kinain nang magtama ang aming mga mata.

"Fancy seeing you here, huh?"

Wala sa sarili akong napasunod ng tingin nang dilaan nya ang kanyang ibabang labi. Tahimik akong natawa sa aking isipan nang makitang mapula pa rin ito. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. He sounded so serious yet I see a glimpse of playfulness in his eyes.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nagpilit ng ngiti. "I didn't expect to---"

Bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay isang boses ang nakapagpatigil sa akin.

"Raize! Help naman oh!" rinig kong tinig ni Natalia sa likod.

And as always, Raize put her first.

Just like the old times.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napakusot pa ako sa mga ito nang masilaw sa liwanag. Sinubukan kong umupo kahit mabigat ang aking ulo na tila ay minamartilyo at makirot din ang aking likod.

Sa ilang linggo kong kapaguran at walang tulog na mga gabi ay tila bumigay na ito. Nasa klase ako nang tuloy tuloy ang pagsakit ng ulo ko at huling natatandaan ko ay ang pagdilim ng paningin ko.

"You should rest, okay? Mataas lagnat mo."

Namataan ko si Raize na pumasok sa pinto ng kwarto na may dalang tray. Even if he looked really exhausted he still look so dashing with his black shirt paired with faded jeans. Bakas ang pag-aalala sa mukha nyang lumapit sa akin at ibinaba ang bitbit.

Naamoy ko ang mabangong amoy ng wanton na dala nya. Halata rin na sya mismo ang nagluto nito dahil sa black apron na suot nya. Mayroon ring baso ng gatas at gamot syang dala.

Hindi ko inaasahang narito sya dahil matapos ng tampuhan namin sa presinto ay hindi pa kami nagkakausap. Tahimik lang ako nang lumapit sya at hinipo ang aking leeg at noo. Hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang aking paningin dahil sa pagkailang sa kanya. Although nag-uupdate pa rin sya sakin ay ngayon lang kami nagkita ulit.

Tinulungan nya akong maupo ng ayos at sya pa ang naghalo sa soup. Sa totoo lang ay wala akong ganang kumain at tila gusto ko nang mahiga ulit dala ng hilo.

Hinipan nya ang sinandok na sabaw nito para isubo sa akin. Napalunok ako bago napipilitang  ibuka ang aking bibig. Seryoso sya habang pinapakain ako ng niluto nyang wanton.

Gusto kong magalit sa sarili ko dahil hindi ko maikakaila na natutuwa ako na nagkasakit ako. Naaalala ko ang araw na nagpunta ako sa presinto at kung papaanong inuna nya pa iyon kesa sa akin.

"A-Ayoko na.." Iling ko nang akmang isusubo nya pa iyon.

"Why?"

Kinuha ko ang baso ng gatas at uminom dito bago sumagot. "Busog na ako at di ko rin naman malasahan." paos kong sabi.

Lumamlam ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Akmang magsasalita na sya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Akala ko ay tatayo pa sya para sagutin ang tawag ngunit sinagot nya ito sa mismong harapan ko.

Pinilit kong hindi pakinggan amg kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit kahit hindi ko dinig ay base sa tawag ni Raize ay halatang sa trabaho iyon. Pinili ko na lamang na pilit tapusin ang aking kinakain para abalahin ang aking sarili. Raize is constantly massaging the bridge of his nose as he talked with that person.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now