06

5 3 0
                                    

"Congrats! Balita ko ikaw na naman ang ginisa ng prof mo sa consti ah!"

“Anong ginisa? Sinunog kamo!” pagtatama ko sa biro ni Adie.

Hindi tuloy nila mapaigilang gumagalpak ng tawa. Lalo na sina Lumi at Russell na nangingibabaw ang lakas ng tawa kaya lalo kaming pinagtitinginan ng mga tao.

“Matalino ka daw kasi!” sabay tawa ni Lumi

Ewan ko ba sa prof kong yon! Ang dami-dami namin ako lagi ang tinatawag sa recit! May galit ata sakin at humahanap ng paraan para masingko ako! Matandang dalaga kasi eh..

"Buti na lang nakakatama toh lagi!" turo sakin ni Fiorie.

"Luh! Buti nakakasagot ka, pag ako yan baka singko agad ng singko!" natatawang sabi ni Russell.

"Ang nakakagulat ay pag di yan nakasagot!" sarkastikong sabi ni Lumi. "Wag mo yang itulad sayo noh!"

And, ladies and gentlemen.. Nag-bangayan na naman ang aso't pusa.

Kasalukuyan kaming nasa genki dahil nagkasakto ang mga vacant namin at malapit lang naman. Dahil minsan lang kami mabuo ay libre ko na na ikinatuwa naman nila.

"Musta na yung friend mo, Russell?" nag-aasar na tanong ni Stan.

Fiorie looked at him with amusement in her eyes. “Ano? Wala paring progress?”

Russell shyly nodded. “Mga par, ang mahid eh!”

Hindi ko napigilang matawa ng matandaan ko kung pano sya nagsumbong sakin kahapon. Kesyo habang magcoconfess na sya ay tinulugan naman sya nito.

“Ang sabihin mo walang talab charm mo kasi wala naman talaga!” pang-aasar ni Lumi.

“Luh! Pacrush crush pa! Hindi naman nacrucrush back!” Russell fired back. “Ay! sorry di ka naman natamaan diba?” ngingisi-ngising nang-aasar na tanong nito na ikinapikon ni Lumi.

Habang nagbabangayan sila Lumi at Russell ay nakatanggap ako ng text.

Unknown Number:
Musta trabaho? Malinis ba?

Napakunot ako ng noo ng mabasa ito. Sino namang magtetext sakin ng ganto?

Is this something illegal or what?!

Kahit na medyo nagpapanic ako sa loob-loob ay pinilit kong kumalma. Baka naman message prank lang to. I swear if I found out who's pulling pranks on me will really pay.

Kienne:
What? Sino toh? I think na wrong send ka.

Unknown Number:
Kakausap lang natin. Wag mo kaming takasan.

Ano daw? I looked at the message dumbfounded. Magrereply na sana ako nang may dumating ulit.

Unknown Number:
Kamusta yung bangkay?
Naligpit mo na ba?

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. I took few screen shots of it. Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya inexcuse ko muna ang sarili ko para magbanyo.

Should I report this? Should I play along and catch the culprit? Pero pano kung prank nga toh?

Napaigtad ako bigla ng magring ang cellphone ko at makitang ito ang tumatawag. What should I do? If I play along makikilala nya rin ako sa boses ko. And that was a dumb thing to do!

Pikit mata ko itong sinagot. Pero ang ingay lang ng paligid ang naririnig ko. Maybe, the person is still a student?

Nang hindi ako makatiis ay sinagot ko ito "Sino ka? Alam mo ba you can be jailed for this?" I tried to keep my voice calm.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now