16

7 2 0
                                    

Agad kong pinagsisihan ang salitang lumabas sa labi ko. Raize looked taken a back but, he seemed so focused on my face wet with tears.

Ano bang pinagsasabi ko?!

Medyo natamaan na rin kasi ako ng alak kaya ganito na lang kawalang preno ng bibig ko. My eyes glittered with tears and a sob escape from my lips. His eyes softened as he looked at the tears in my eyes. Marahan nyang pinunasan ang luha sa aking mata habang hindi inaalis ang kanyang titig sa aking mata.

“Fuck! I can't even stand seeing you cry over your grades and now you're crying because of me,” He gently pulled me for a hug and kissed my head.

Marahas ko syang tinulak palayo ngunit lalo nya lamang hinigpitan ang kanyang yakap “L-Let go..” mahina kong sabi.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at napansin ko na tirik na tirik na ang araw na bumungad sa akin. Napainat ako at maya-maya ay napakunot ang noo ko nang may maalala.

Teka! Sarado naman ang kurtina ng kwarto ko ah!

Bigla akong napabangon at agad kong inilibot ang paningin ko. Naglalaro sa grey, black at navy blue ang kulay ng kwarto. Black ang kulay ng aking yakap na unan at grey naman ang kumot na nakabalot sa akin. Sa isang sulok ng kwarto ay mayroong istante na punong puno ng koleksyon ng mga susi ng kotse.

A manly scent filled my nostrils. I gritted my teeth in annoyance.

Lalong nasalubong ang kilay ko nang napansin ko ang kulay grey na damit at pinaresan ng sweat pants na kulay black na suot-suot ko. Bumilis ang paghinga ko at wala sa sariling napakuyom ako ng palad. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap ang lintik. Namataan ko syang nasa kusina at may niluluto. Rinig ko ang pagkulo ng aking tiyan sa amoy ng kanyang niluluto. I shrugged the thoughts of my head because I'm really annoyed. Salubong ang kilay at kuyom ang mga palad akong nagmartsa palapit sa lalaking iyon.

Saktong paglapit ko ay kanyang pagharap na para bang alam nyang may nanonood sa kanya. Suot ang kanyang ngisi at taas ang kilay sa akin. Bumilis ang aking hininga at napatimbagang na lang ako.

“Hi baby, how's your sleep?”

Bago ko na mamalayan ay nakwelyuhan ko na sya. “Ba't ako nandito?!”

Raize's smirk grew wider “Easy there, baby,” sumipol pa sya. “Last night you're even begging me to let you stay here.”

“Wag mo akong pinagloloko!” Hinigpitan ko ang kapit ko sa kwelyo nya at sa halip na magalit, his eyes even dance in amusement.

Tumaas ang mga kamay nya na parang sumusuko pero halatang nang aasar lang. “Don't you remember?” ngisi ng gago.

“Ah! You cheater!” Dinuro-duro ko sya na halatang kanina pang napipikon sa akin.

Napahinga sya ng malalim bago ako hawakan sa kamay. “I would love to hear you say that, baby.. But, you're drunk,” He licked his lower lip “Hahatid na kita.”

Matalim ko syang tiningnan nang sabihin nya iyon. Ang kapal talaga ng mukha! Aba'y, kung gusto nya ng umuwi ay umuwi na sya! Can't he see, I'm finishing my sangrias?! Tsaka, I'm still looking for Adrielle! Baka napano na yon!

I stand up to look for Adie but because of dizziness I almost tripped. Mabuti na lamang ay nahawakan ako ni Raize sa bewang.

“Careful,” he mumbled.

Marahas kong iwinaksi ang kamay nyang nasa aking kamay at tinampal ang kanyang kamay sa aking bewang ngunit hindi nya iyon inalis.

“Bitaw!”

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now