24

10 2 0
                                    

TW:OCD

Hawak ang mga reviewer ko ay hindi ko na maintindihan kung anong uunahin ko. Masulyapan lang ang mga patong-patong na mga readings ko na kailangang mareview ay tila lalo lang akong nalula sa dami nito. At naghahalo-halo na ang mga binabasa ko. Napahawak na lang ako sa noo ko habang pilit na itinutuon ang pansin sa mga ito. Kahit na wala na halos akong maintindihan sa mga ito.

I know I'll get over this test being the best.

But, turns out, no.

Lalong bumibigat ang aking dibdib at tila kumakapos ang hininga. Hindi ko maitaas ang aking paningin. My eyes started to glittered with tears. My vision is blurring with it blocking it. Umiinit na rin ang gilid ng aking mata.

Putangina! Nag-aral naman ako ah! Inaral ko lahat ng ito! Bakit ganito ang kinalabasan!

I never thought I'd get into this kind of time. Time where I'd understood what average students feels. I used to think it's their fault why most of the student fails. Na dahil hindi sila nag-aaral ng mabuti.

I want to comfort myself. Gusto kong sabihing ngayon lang ito.

Lahat tayo ay dadaan sa kanya-kanyang mga pagsubok. Mga pagsubok na kung saan papatatagin tayo. Madaling sabihin ngunit mahirap kapag dinadanas mo na.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sa t'wing may naghahanap ng comfort and advice sa akin ay hindi ko sinasabing 'kaya mo yan pagsubok lang iyan!' o di kaya'y 'handa akong samahan ka sa kung ano man iyan.' Because, at the end of the day, ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan. At walang kahit anong salitang pwedeng magtanggal nito.

But just now, I did.

Mahigpit ang aking hawak sa papel na nasa aking kamay. Ngayon ko lang napansin ang lukot na magkabilang gilid nito. Habang sila'y nagsasaya, ako'y nanatili sa aking upuan habng tulala sa papel sa aking harapan. Hindi ko sukat akalain na numero lang pala ang may kayang bumalot ng matinding takot sa akin.

"Kienne! Punta kami Xylo! Sama ka!" aya sa akin ni Andrey kasama ng ilan naming ka-blockmates ng uwian.

Mabilis akong umiling sa kanyang paanyaya. "Kayo na lang. May gagawin pa 'ko."

At bago pa man sila makapagprotesta ay patakbo na akong umalis roon. Saktong pagdating ko sa parking lot ay ang sunod-sunod na pagpatak ng ulan. 

Napasabunot ako nang aking buhok nang makitang nabasa na nang malakas na bagsak ng ulan ang aking mga dala-dalang libro at mga readings. Tila ay nawawalan na ako ng lakas na napaluhod at napahilamos ng mukha kasabay nito ay ang pagkawala ng sunod-sunod kong hikbi. Animo'y pinipiga sa sakit ang aking dibdib at hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Ayos lang ako. Kaya ko. This is only part of a student's life. I'll get over this.

Ngunit kahit anong limot ko sa resulta ng exam ay hindi ko magawa. The memories keeps on flooding my mind. The way they rejoice, their laughter and satisfaction keeps on flashing my mind. At kahit anong pilit kong alisin ito sa aking isipan ay hindi ko magawa at tila yata lalo lang akong binabagabag.

Nang pilitin kong matulog para mawala ito sa aking isipan ay lalo lang ako nitong binagabag. I tried to review again nang hindi talaga ako makatulog. Matapos kong maayos ang mga stationaries ko at mag-uumpisa na sana ako nang may narinig akong tila inuutusan akong ayusin ulit ito. Napipilitan kong inulit na ayusin ulit ito para mawala ang boses na iyon.

Next, the voice in my mind told me to check my things, that if I didn't I might fail again so I did. Tumayo ako at kumuha ng fresh milk sa ref. Isasalin ko na sana ito sa aking baso nang bulungan ako ng boses sa aking isipan na kailangan ko itong isakto ng sampung patak. It may be weird but I still did. Bakit? Dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayari kung hindi ko gagawin.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now