03

7 3 0
                                    

Pwedeng manakal?

Alam mo ba yung pakiramdam na sa inis mo ay gusto mo na lang manakal ng maharot at malanding lalaki?

"Ano ba talagang ginagawa mo dito?" hindi ko na matiis na itanong iyon sa unggoy na katabi ko

"Nag-aaral?" hindi sigurado nyang sabi na parang sa sarili nya iyon sinasabi at parang nagtatanong na rin.

Nag-aaral ha?

"Sa pagkakaalam ko ay hindi sakop ng criminology ang international law, so, bakit nandito ka?"

"I'm here to chase my dream." kampante nyang sagot habang hinuhuli ang tingin ko.

Chase your freaking dreams, my ass! Ano akala nya sakin uto-uto?!

Hindi ko na lamang sya pinansin lalo na't dumating na ang prof.

Mukhang hindi naman nya napansin ang unggoy na nakisit-in sa klase nya. The teacher is really so boring. Daldal sya ng daldal kahit halatang wala namang nakikinig sa kanya. It's like he wants his students to just memorized what's in the book.

"So as we all know, abortion is also passed as a legal law with a lot of foreign countries around the world.."

Someone from the class raised his hand "Sir, do you think abortion should be implemented to our country?"

That got my attention and interest at mukhang hindi lamang ng akin kundi ng mga ka-blockmates namin.

"Well, I mean, in China abortion is legal due to over population.." paliwanag nya agad ng mapansin na nasa kanya ang atensyon ng lahat.

Naaatat na akong marinig kung anong isasagot sa kanya ng prof. Mukhang nagulat pa ito sa tanong pero maya-maya ay sumagot rin ito.

"I actually agree,"

Napataas ang isa kong kilay sa sagot nya. Kinalabit ako ni Raize kaya napatingin ako sa kanya.

"Do you agree with her?"

Sa halip na sagutin sya ay muli ko na lamag itinuon ang aking atensyon sa harap. Mukhang nabitin ang lahat sa naging sagot nya.

Well kahit ako din naman.

Kaya hindi na ako nagulat ng may magtaas ng kamay at nagtanong kung anong dahilan nya.

"Abortion should be implemented due to over population and makes it a headache not only for the parents of the child and the family but also a burden to handle for the government."

Hindi matanggap ng sistema ko ang sinasabi nya kahit anong pilit. It's just really against my moral principles.At nang hindi ko na napigilan ay tumayo ako sabay sabing, "I don't think so, sir."

Naplingon sya maging ang mga block-mates ko dahil nasa likuran ang pwesto ko. Anong magagawa nila, eh hindi ko nga matanggap at tsaka para sa akin ay hindi kakumbinsi-kumbinsi ang reasoning nya eh!

"And why is that?"

Huminga ako ng malalim bago iyon sagutin "Babies are not a burden and what's the purpose of having family planning, sir?"

"For someone who came from a very poor family a baby can't fit in, lalo na kapag nag-kaanak habang nag-aaral pa."

"Sir, there are a lot of people who's experiencing teenage pregnancy and to be honest I am against it but abortion is a different thing" I reasoned out."Tsaka, maraming pamilya ang mahirap pero masaya."

His forehead cease and he looked at me like I know nothing about the world. O sabihin na nating hindi ako aware.

"Let's say, you're not going to abort the baby but are you going to let the baby suffer and taste the cruelty of this world?" sigurado nyang sabi.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now