“What? You don't like it?” nananantyang tanong ni Raize habang pinagmamasdan ako.
Chopseuy.
“Hindi ka mahilig sa gulay?”
Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang kanyang niluto. It smells really good but, “Ba't mo niluto ng ganto?”
Nagsalubong ang kilay nya. “Ha? What do you mean?”
Napailing na lang ako habang nakatingin sa luto nyang Chopseuy. Agad nyang tinikman ang luto nya bago bumaling sa akin.
“Masarap, you should try this.”
Pagkasabi nya noon ay biglang tumunog ang aking tiyan sa gutom na ikinatawa nya. Sasandok na sana sya ng bigla ko syang pigilan.
Bumagsak ang balikat nya habang nakasimangot sa akin. “What? Tatawagin mo pa ba si Boots to do some rituals?” nakapalumbaba nyang tanong.
Inirapan ko sya saka pinakuha ng ilang plato.
“Ano?! I'm hungry and I cooked that!” Duro nya sa ulam habang salubong ang mga kilay at lukot ang mukha.
Tinaasan ko sya ng kilay. “So, what?” mataray kong sabi.
Sa huli ay wala syang nagawa. Siguro ay dahil alam nyang lalo lang syang matatagalan bago makakain.
“What is this for?”
Hindi ko sya sinagot sa halip ay pinaghiwa-hiwalay ko ang mga gulay ayon sa kanilang kulay. Napamaang sya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa mga gulay.
“Let's eat,” usal ko habang inaayos ang aking table napkin.
“Seriously?” maang nya.
“They look messy and unorganized so...” Nilahad ko ang ulam. “I fixed it.”
Lumipas ang mga linggo at hindi ko na napansin na unti-unti ay nagkakalapit na kaming dalawa ni Raize. Sinipat ko ang wristwatch ko at hindi mapigilang mapatuktok ng paa sa sahig kasabay ng pagkrus ng aking mga braso.
Kasalukuyan akong nasa harapan nasa entrada ng DSU. Sa ilalim ng tirik na araw at ng sikat na estatwa ng uni. Napairap na lang ako habang pinapanood ang mga taong nagdaraanang napapatingin sa akin. Papaalis na sana ako ng may biglang nagtakip ng aking mga mata.
“Hulaan mo sino to?” anang tinig sa mapaglarong tono.
I bit my lip in annoyance. Malakas kong binaklas ang kamay nya at hinarap syang ngising-ngisi sa aking harapan. Inirapan ko sya at nagdere-deretso pauna.
“You're late..” hinarap ko sya ng makadating kami sa main walkway “Again!” diin ko.
Kumibit balikat lang sya “Sorry?”
Nakagawian na kasi namin ang mag-antayan roon bago pumasok. And as usual, late sya lagi.
Mabuti na lang at nakabili sya sa food court sa tabi ng DSU nang paborito kong rice in a bowl. Matapos maghanap ng spot sa may quadrangle ay doon kami pumwesto para mag-almusal na nakagawian na rin namin tapos saka mag-rereview.
“Oh!” sabay abot ko sa kanya ng aqua flask.
Napataas ang kilay nya habang inaabot ito. “What's this?”
I just shrugged and continued reading my readings. Though, I really can't focus.
Nang ibalik ko ang aking tingin sa kanya ay tila kumikislap ang mata nya. Kagat man ang labi ay hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag-angat ng sulok sa kanyang labi at ang pamumula ng kanyang tainga.
“Nagbablush ka!” asar ko.
Napakagat sya ng labi at binasa ng kanyang dila ang ibabang labi. Maya-maya ay umalpas na ang kanyang ngisi.
YOU ARE READING
Under the Pressure (De Silvianne Series #01)
RomanceDe Silvianne Series #01 [On Going] | UNEDITED Kienne's living a peaceful life not until, Raize Selaide the known player of hearts aim to play hers. ***** A straight dean lister and top law student. Cage with people's expectations, Kienne lost hers...