19

4 2 0
                                    

"Are you not done yet?"

Agad akong napalingon sa pinto ng marinig iyon. I was busy putting my earrings on when she knocked in my door. I wore pink bandage puff sleeve chiffon dress partnered with beige jewel slingback sandals since it's the dress code. Inilugay ko ang aking buhok at pinatungan ng pearl headband ang aking ulo para bumagay sa aking suot na hikaw at bracelet. I also put natural makeup to compliment my overall outfit.

"Tapos na po ako!" tugon ko.

We're currently in Boracay staying at one of our rest house that my lolo just recently purchased last month. Wala na atang magawa sa pera nya kaya bumili na naman sya ng rest house. I tried convincing him na wala naman syang paggagamitan but he keeps on insisting that my late grandmother loves beaches. Luckily, meron parin naman palang saysay ang pagwawaldas nya.

It's the wedding of a an elite family friend. My parents and even my tito's and tita's don't have any plans for summer vacation. Sa dami ng kaso na hawak ng mga magulang ko at ng mga tito't tita ko ay hindi na kataka-taka na wala talaga sa plano nila iyon. But since the Climente's are dearly close family friend, wala ring nagawa ang schedule nila.

"Good noon po!" Animo'y kasing bait ng anghel na bati ni Lexus ng marating namin ang pagdadausan ng kasal.

Tita Lexxie seems to be so pleased and proud of her son's manner. Lalo namang lumawak ang bakas ng ngiti sa labi ni Senyora Leticia Climente. Bahagyang naningkit ang mga mata at umumbok ang kanyang pisngi.

"Ang laki mo nang bata ka! Ang tagal nating hindi nagkita ah! Parang dati lang nagtatakbuhan pa kayong magpipinsan sa bahay ah! May girlfriend na ba kayong dalawa?" Aliw na lintaya ni tita Dianne sa dalawa kong pinsan.

Napansin ko ang pasimpleng pagngiwi ni Adrian dito. Namumula ang mga tainga marahil ay nahihiya na.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni tita Dianne ng sa akin naglipat ang kanyang mga mata. Dali-dali akong nagmano sa kanila.

"Kienne! Ikaw na ba 'yan?" Agad nya akong ibinaon sa mahigpit nyang yakap. "Lalo kang gumandang bata ka! Parang noon lang ang liit-liit mo pa!"

Nangingiting umiling si Senyora Leticia, "Ngayon ko lang napansin kuhang-kuha mo pala talaga ang mukha ni Celestina." tukoy nya sa lola kong Madriaga na agad naman nilang sinang-ayunan.

The wedding venue looks so extravagant as if the families wants to show off their wealth. The motif of the wedding is pink and beige which really suits it's beach vibes. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang ang isang 80 ft cruise ship designed with some fresh pink roses. Sa gilid ng napakagarbo at napakalaking aisle ay ang isang magarbong grand piano.

The scenery looks so mesmerizing as I have heard na sinakto nila sa pagpasok ng bride ang sunset. Maraming nakasabit na fairy lights na lalong nagpaganda ng venue. Sa isang side  makikita ang teepee na magarbong nakaayos at doon nakalagay ang prenuptial picture ng dalawa.

"Sup, Yen!" Drystan, son of tita Dianne and tito Wesley, the Climente's middle grandson and also my ex-boyfriend, beamed at me.

I kissed his cheeks as a sign of greetings.

Ramdam ko ang mga matang nanonood sa amin. Sinong hindi mapapatingin? It's Drystan! Ang pinakamasungit na Climente!

"Mukha atang hindi nakalagpas ang isang Selaide sa karisma mo." naiiling na biro ni Drystan.

Saktong pagkasabi nya noon ay ang pagbaling ko sa kanang parte ng venue. And there he is, gawking his eyes at me like some kind of hawk. His jaw clenched as his eyes are staring darkly and not losing my gaze. He's formally wearing a black vest with white long sleeve partnered with black slacks and shiny black leather shoes.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now