05

6 3 0
                                    

"Pasensya ka na Kienne sa asawa ko ha," Nahihiyang sabi ng don Antonio na naitakip pa ang kamay sa bibig ng donya na may kalakasang tinapik ng ginang.

Naiinis na tinignan sya nito, "Ano ba, Antonio!" gigil na bulyaw ng ginang sa asawa at saka ngiting-ngiting bumaling sa akin. "Don't mind this old man, Kienne, it's just a joke but if you would want we can arrange a engagement party for the two of you."

Halos mapigtal ko na ang hininga ko sa sinabi ng donya. Seriously, why would she even think of that? Hindi ko madalas makita ang pamilya nila pero totoo pala talaga ang sabi-sabi na prangka pala talaga ito.

"Uhh.. Donya---"

"Ah! Don't call me donya! It's lola for you dear!" Ngiting suway nito at sinabayan pa ng marahang paghaplos sa aking buhok, "What is it dear?"

Para tuloy akong naubusan ng salita sa kanya at hindi ko matandaan ang aking sasabihin. Mabuti na lamang ay tinawag ito ng apong kanina pang pangisi-ngisi at kung hindi ako nagkakamali ay si Xion.

"Sensya na kay lola," ani ng ngiwing-ngiwi na si Enzo.

"Manunukso na nga lang pamali-mali pa!" bulong nyang hindi ko naintindihan.

"Ano yon?"

Umiling agad ito. "W-wala."

Nang bumalik ang ginang kasama ang apo ay agad itong lumapit sa akin na mas malawak na ang ngiti. Seriously, what is wrong with this family?

"Pasensya ka na akala ko kasi ay kayo ng apo kong si Lorenzo ang nagkakamabutihan" she meaningfully stated while holding my hand.

I decided to just ignore it. Masisiraan lang ako ng bait sa kanila pag pinansin ko pa.

The dinner was served in a few. Sa dami ng putahe ay hindi ko na alam kung papaano pa ito napagkasya sa lamesa. I can't help but to observe the grandchildren of the Selaides. Limang lalaki at apat na babae.

Ang akala ko ay walo ang mga batang Selaide pero nasaan ang isa pa?

Mukhang nasagot naman ang tanong ko ng maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan namin at naglapag ng bouquet ng red tulips sa kung nasaan ang donya.

"Oh! Raize apo! Akala ko ba'y hindi ka darating?"

Wala sana akong balak lingunin ito ngunit gusto ko sanang makumpirma na iba ito sa lalaking naiisip ko.

Saktong paglingon ko ay sabay sabi nyang. "Of course la, it won't be a surprise if you knew about it."

Nasulyapan ko pa ang pagngisi ng mga lalaking Selaide lalo na nina Enzo at Xion. And when I turn to see that annoying Raize the side of his lip is even raising probably because he sees this amusing. Or making fun of me is amusing for him, indeed.

Ugh! Ang makita pa lang sya ay nakakahighblood na! Lalo na sa katotohanang nang-iinis sya dahil alam nyang naiinis ako! May pangisi-ngisi pang nalalaman! How could I not know that he's a Selaide?!

I can't help but to grit my teeth but Xion seems to still see it. Because when I looked at him he's already smirking at me.

Urgh! This family! I can never imagine  being part of them! Baka mabaliw ako kapag nangyari yon!

"Sya! Sige at maupo ka na."

The dinner isn't really a disaster. Kung hindi sila magtatanong ng tungkol sa mga hobbies ko o about sa pol sci ay hindi na ako sasagot. Maayos naman liban na lang sa nahuhuli kong panakaw na sulyap ng Raize na yon.

"You know what? Ang gusto ko talaga dati, magkatuluyan ang tita Celine mo at ang anak kong si Marshall, pero, thay both see each other as friends only." she said not minding everyone. “Mabuti na lang talaga at mukhang nagkakamabutihan na kayo ng apo ko!" she giggled.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now