08

8 2 0
                                    

“Uhh.. Fast beating of heart, electricity and butterflies on stomach, huh?”

Sinundan pa nya iyon ng tawa. Why is she even laughing? Wala namang  nakakatawa ah! Tsaka yon naman talaga yung symptoms eh!

“Are you even sure that it's an illness?” tanong nya ng makabawi sa katatawa. “Wawa ka naman! Bakit ka ba kasi babad sa studies mo?”

I scoffed “That's why I'm asking you,” I crossed my arms “siguro hindi palang sya nadidiskubre?” wala sa sarili kong tanong na ikinahagalpak nya ng tawa.

Adie looked at me seriously “Ano naman kaya sa tingin mo yang diagnosis sayo?” humigop na sya sa hawak nyang milktea.

“I think respiratory or cardio?” hindi ko siguradong sagot “hindi ko talaga naiintindihan kung bakit sa Selaideng yon ko lang to nararamdaman”

Agad akong napaiwas ng muntik nya nang maibuga sa akin ang milktea nyang iniinom. Ang dugyot naman! Agad kong binalingan ang mga readings ko sa ibabaw ng coffee table. Muntik na!

“Gagi! Yon ba yung pinsan ni Xion na criminology student?” nauubo nyang tanong.

Tumango na lang ako habang pinupunasan ang sahig ng wipes dahil sa kadugyutan nya. Narito kasi kami sa condo ko dahil wala namang pasok ngayon at may seminar ang mga prof namin pero iniwanan naman kami ng tambak na gawain. At itong si Adie dito daw makikitulog sakin.

“Siguro, dahil ngayon lang may nakalalapit ng ganon kalapit sakin, noh?” I tried to ask her. I should get a valid and absolute answer so I can focus and peacefully sleep at night.

“Sige lang! Kumbinsihin mo ang sarili mo para mabuang ka na!” aniya habang ngumunguya ng pizza.

Napangiwi ako “Ang dugyot mo talaga!”

“Nye! Nye!” parang bata pa syang nagtakip ng tainga “Bala ka! Alamin mo na lang mga-isa sagot sa sarili mo!” nagtatampo nyang sabi

“Isip-bata” irap ko

“Talitalino tapos ignorante!” balik nya

I knew that she wouldn't give me a good answer, kaya hindi ko na lang sya kinulit. At nang tinanong ko naman si Fiorie ang sabi nya ay komplikado daw. Nang itanong ko naman kay Lumi ay ako lang daw ang makakasagot non sa sarili ko.

Nakakainis! Kung ako lang naman pala ang makakasagot, edi sana nasagot ko na at hindi na sila tinatanong!

“Ms. Madriaga, do you agree with your block mate's answer?”

Agad akong napatayo ng marinig iyon.  A day won't really pass without all of my professors making me stand up. Tiningnan ko si Mitch na mukhang ninenerbyos at nakayuko lang.

Sinong hindi nenerbyosin? Ms. Guinevere is a known to be a very terror teacher. At higit sa lahat mahilig magsingko dahil graduating na ang mga hawak nya.

“Yes, justice Hermosa.” sagot ko

Naningkit lalo ang singkit nyang mga mata “Sigurado ka?” masungit nyang tanong.

“Yes, ma'am”

Napairap sya at napagkrus ang mga braso “Prideful? Don't you think?”

“As you know, ma'am, we need assurance to be able to defend what we believe,” ani ko “Defending is useless without an absolute believing”

Tiningnan nya ako na parang binabasa nya kahit ang kaluluwa ko “Tsk! Mas lalong tumatamad ang mga estudyante ngayon! It's only an assignment!” singhal nya “You're only proving me na wala na talagang pag-asa ang bayan.”

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now