Saturday is the day.
Wala ako ngayon sa Manila dahil inaya ako ni lolo na ipagpalipas ang aking weekend dito sa Batangas.
Sinipat ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Wearing a simple ripped jeans and a simple blue square neck ruched bust top and as usual my white sneakers. Napagkasunduan kasi namin ni lolo na mangabayo dahil maayos naman ang panahon. Hindi masyadong mainit., hindi makulimlim at higit sa lahat ay malamig ang simoy ng hangin.
"What took you so long?" kunot ang noo nyang bungad.
"You know girls.." I teased him about it and just like the usual he seems not to agree with me.
Lalo tuloy nangunot ang kaniyang noo "But always remember that time is precious and it won't----"
"Adjust for you," tuloy ko rito "I know.."
Nang pasakay na sana ako kay Skye na paborito kong kabayo ay alalay na alalay pa ang isang tauhan at para bang handa nya akong saluhin sa oras na malaglag ako.
Is he new? Well, maybe.. Dahil hindi naman sya aakto ng ganyan kung hindi.
"Ingat po kayo ma'am," nag-aalala nyang sabi na ikinataas ko ng kilay "Si Skye po kasi ang pinakamahirap paamuhin dito eh." paliwanag nya
Really? I guess he still doesn't change huh?
I noticed lolo's looking at us intently. Kung paanong mukhang handa akong saluhin ng tauhan ay sya namang kabaligtaran.
"No need to worry, besides lolo's here so I'm pretty sure that he'll catch me if I fall."
"Come on, Kienne. Stop acting that way." ismid nya.
Parang bata akong naglalambing yumapos dito. "Does that mean, okay lang sayo na ilalaglag ako ni Skye?"
"Why not?" kibit balikat nya. "Also there's no way na hahayaan ni Skye na malaglag ang pinakamamahal nyang amo."
Dapat ay mangangabayo kami ni lolo pero hindi naman ito natuloy nang biglaan syang tawagan ng kanyang sekretarya. Kaya naisipan ko na lang gawin at tapusin ang mga gawain namin sa uni.
Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang pagkababad sa mga readings ko at hindi ko na napansing palubog na ang araw. Kung hindi pa ako kinatok ng isa sa mga kasambahay ay hindi ko pa malalaman.
"Wait! I'm still on my paper works!"sagot ko ng mangatok ito na naman ito.
Halos tambak na naman ang mga gawain ko at isama mo pang naggagawa ako ng mga reviewer ko.
"Wait! Ito na! Hindi makapag-antay!" singhal ko ng lumakas na ang katok.
Kanina pa kasing pabalik-balik ang isa sa mga kasambahay at nasabihan ko nang tatapusin ko muna ang mga readings ko pero ang kulit! Kesyo pinapatawag daw ako ni lolo.
Ang iritado kong mukha ay agad na napalitan ng mapagtanto kung sino ang kumakatok. "L-lo.."
At gaya ng ekpresyon ko kanina ay mukha rin itong iritado "Ba't hindi kap pa nababa?! Aba! Kienne, you don't have all the time in the world!"
Kamot lang sa ulo ang naisagot ko sa kanya. Sanay kasi akong walang naistorbo kapag nag-aaral ako.
Pinasadahan nya ako ng tingin. "Get yourself dressed. We're going out for dinner."
Just like what he said I get dressed and ready. Puff sleeves ruffle blouse partnered with straight leg jeans and white sneakers to complete my getaway.
Habang nasa daan ay inulan ako ng sermon ni lolo. Kesyo masyado akong nagpapaintay sa oras kahit na hindi naman ako maiintay at ang bagal ko daw kumilos.
YOU ARE READING
Under the Pressure (De Silvianne Series #01)
RomanceDe Silvianne Series #01 [On Going] | UNEDITED Kienne's living a peaceful life not until, Raize Selaide the known player of hearts aim to play hers. ***** A straight dean lister and top law student. Cage with people's expectations, Kienne lost hers...