20

7 3 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil pagkagaling namin sa kasal ay naglibot pa kami sa mga souvenir store kagabi. Halos hindi ko pa maimulat ng tuluyan ang mga mata ko sa antok ngunit napilitan akong bumangon sa tayog ng araw. Sayang ang bakasyon kung hindi ko pa susulitin.

Wala sa sarili akong napahikab habang pababa ng hagdan. Ngunit wala pa sa kalahati ng matanaw ko ang taong dahilan ng puyat ko.Tila nawala lahat ng antok na nararamdaman ko. Kahit ang pagkapungay ng mga mata ko ay napalitan ng panlalaki.

Anong ginagawa nya dito?!

"Is it okay if I ask Kienne out, Tita Kate?" aniya sa isang magalang na boses.

Nakaupo sila sa dining kung saan nag-aalmusal silang lahat kung kaya't walang nakakapansin sa akin.

Anong gagawin ko?! Bababa na ba ako? Pero hindi pa nga man lang ako nakakamumog  o kahit hilamos! Magulo pa rin ang aking buhok na hindi pa man lang nasusuklay! May muta pa!

As if it's a que, dali-dali akong umakyat pabalik sa kuwarto ko. Nagtoothbrush, naghilamos at nagsuklay na rin ng buhok na ipinusod ko sa messy bun para hindi halatang nag-ayos ako.

Oh, bakit totoo naman ah! Nag-abala ka pang mag-ayos anang isip ko.

Muntik na akong matagalan dahil nagtatalo pa ang aking isip kung magpapalit at maliligo na ba ako o ito na lang pj's ko. Sinuyod ko ng tingin sng aking sarili sa salamin at nang makuntento ay lumabas na akng kwarto. Gaya kanina ay mukhang hindi pa sila tapos at kung anong ayos nila kanina ay ayon pa rin.

"Oh! Gising na pala si Princess Sarah!" ngingisi-ngising bungad ni Lexus na halatang nang-aasar na naman.

Inis ko syang inirapan at dumiretso ng upo sa tabi ni mommy. At saktong katapatan ko pala si Raize. Napatikhim na lang ako para patigilin ang mabilis na tibok ng puso ko.

Normal pa ba 'to?

Ramdam ko ang titig nya sa akin at sa bawat galaw ko. Nakaramdam ako ng pagkailang at tila nakakahigop ng lakas ang kanyang tingin. Bagaman naiilang ay binaliwala ko ito at pinilit kumain.

"Any plans for today, young lady?" nagpupunas ng labi na tanong ni daddy.

"Gagala."

"Sasama ka kay Raize?" kaswal nyang tanong.

Bigla tuloy akong nasamid at dali-dali naman akong ipinagsalin ng tubig ni mommy na katabi ko lang.

Napatawa ng malakas si lolo, "Didn't even bother telling us that this young Selaide here is courting you."

Agad akong napalingon kay mommy na walang imik na nakain ng kanyang dessert.

Whats in the hell is happening? Seriously, this isn't her? Katherine Madriaga I've known for so oppose to me being in a relationship. Madalas nga ay halos mamatay na sa masama nyang tingin ang kung sino mang lalaki ang nirereto sa akin.

"You're not against that, mom?" nagtataka baling ko sa kanya.

Ngunit kinibit-balikat nya lang iyon, "I trust Raize that he won't be a distraction for your studies, so why not?"

Wala sa sarili akong napainom ng tubig. At mukhang hindi talaga sila nagbibiro dahil minadali pa nila ako sa pagkain kaya kahit hindi pa ako busog ay napilitan na akong tumayo na.

Nagsuot ako ng black tie swimsuit top na pinatungan ko ng white long sleeves at black shorts. Nagpahid na rin ako ng sunblock bago bumaba. Wala na sila mommy pagbaba ko at ganon rin sila Lexus at Adrian na sa pagkakaalam ko ay magjejetski.

Masyado siguro akong lutang kanina dahil ngayon ko lang napansin ang suot ni Raize. He's wearing a button up short sleeve polo partnered with broad shorts and shades hanging in his neckline which really suits him very well.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now