07

8 2 0
                                    

"Ano namang ikanenerbyos mo?! Drama mo!"

Natawa tuloy sya sa inakto ko na para bang ineexpect nya nang ito ang isasagot ko.

Inis kong tinampal ang kamay nyang ipinamunas sa pawis ko at nagderetso sa table namin. The table is romantically set up like we really are on a date. And just when I was about to sit, he pulled the chair for me. Hindi ko tuloy malaman kung talagang gentleman sya o talagang nang-iinis lang.

"Why is the table arranged this way?" may bahid ng inis kong tanong.

Umangat ang sulok ng kanyang labi "What way?" pagmamaang-maangan nya pa.

"Like we're on a romantic date!" singhal ko.

And we can't be!

Natawa sya "Why aren't we?" tukso nya.

"No!" irap ko "Gutom na ako, tumawag ka ng waiter." masungit na utos ko sa kanya.

Which is true, ngayon lang ako nakakaramdam ng gutom dahil hanggang dito ay amoy ang mabangong amoy ng niluluto sa loob.

He dramatically held his chest and an annoying smirk is plastered on his face. "So, you ditched your friends and come to see me because you're hungry?" may bahid ng pagtatampo ang boses nya but his face shows the otherwise.

"Just call the waiter already!"

He smirked at me, "Oh, I see.. You're more hot-headed when you're hungry, huh?"

Lalo tuloy nag-init ang ulo ko sa sinabi at pakiramdam ko ay tumataas ang presyon ko.

This guy! Sya lang talaga ang nakakaputol ng pisi ko! Tsaka, bakit hindi pa ba sya gutom kaya ako ang iniinis nya?! Sya tong mag-aaya tapos wala man lang pagkain! O, eh ba't sa restaurant pa kami nagkita?!

At parang alam nyang sasabog na sa galit kaya tinawag nya na ang waiter, "Waiter!"

"Yes, sir?"

Tapos ay nagtuturo na sya sa menu at kahit anong pagkain ay kakainin ko dahil gutom na talaga ako. But he still asks for what I want.

Paalis na sana yung waiter ng magpahabol pa sya. "Wala ba kayong pampatanggal ng init ng ulo sa menu?" seryoso nyang tanong "Mainit na naman ang ulo ng girlfriend ko, eh."dagdag pa nya na ikinapula ng mukha ko sa inis.

Huh! Girlfriend my ass! Baliw na talaga sya!

"Wala po sir, eh." natatawang sagot naman nito.

Nang makaalis ay don ako tinawanan nito dahil kanina ko parin syang pinauulanan ng masamang tingin.

"Kapal din ng apog mo noh?!" bagaman mahinahon ay may halong inis kong sabi "Girlfriend?! Girlfriend! Asa ka!"

He looked at me amusingly and teasingly "Ayaw mo ba ng girlfriend at asawa ang gusto mo?"

"Asa!"

Wine arrived as soon as we ordered. And later on dinner is also served. I was enjoying my baby back ribs when I remembered something.

"Teka! Bakit ka nga pala nag-aya?"

He stopped himself from eating and drink his wine while staring at me like he is disappointed that I don't know why.

"Let's start dating," aniya na para bang nag-oofer sya sakin ng candy lang.

Napabagsak ako ng aking hawak na tinidor na lumikha ng malakas na ingay. "What?! Are you kidding me?!"

"What? It's not as if you're family will disapprove." Kibit balikat nya habang nahiwa ng steak.

Ugh! The guts of this man!

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now