Hingal na hingal akong napabangon sa aking kama. Agad kong sinuyod ng tingin ang paligid ko at tila ay nakahinga ng maluwag ng mapagtantong panaginip lang iyon. Wala sa sarili akong bumangon at nagpunta ng kusina upang kumuha ng maiinom na tubig.
Isang linggo na matapos ang insidente at isang linggo na rin akong balisa. Tila ay hindi ko na gustong matulog dahil tuwing makakatulog ay binabangungot ako.
Napitlag akong ng biglang tumunog ang aking cellphone na punukaw sa aking pagmumuni. Kagat ang aking ibabang labi na sinagot ko ang tawag.
"Y-Yes?"
"How's my maby's day, huh?" Pumailanlang ang malalim at nanlalambing na boses nito na tila ay nagpakalma ngunit nagpahumiritado rin sa aking dibdib.
Funny to think how I myself can't even do anything to make myself at peace and yet he can just effortlessly do it.
This became a normal habit for us. Just us talking about our days is already enough.
"When is the results coming out?" nananantyang tanong niya parungkol sa resulta ng exam.
Bumalik na naman sa akin ang nangyari ng araw na iyon. Maybe I'm really the bad one for wishing a stabilized grades and Natalia's safety at the same time when it's seriously me who put her on danger.
"T-Tomorrow."
"Basta.. Always remember that I'll be right here with you, ha?"
Napangiti ako sa tinuran nya at sasagot na sana ako pabalik nang may pumailanlang boses ng babae rito.
"Selaide, pinapatawag ka ni chief."
Malalim syang humugot ng hininga sabay sabing, "Maby, I'll have to end this call. May inaasikaso lang akong mahalagang kaso." nagmamadali nyang paalam. "I love you!" pahabol nya bago pa man matapos ang tawag.
Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa DSU para icheck ang results na nakapaskil sa hallway ng main building. Kumpol-kumpol ang mga estudyante doon at siksikan. Napabuntong hininga ako para alisin ang kaba sa aking dibdib. Nakisiksik na rin ako doon at agad hinanap ang aking pangalan.
Agad na nanlaki ang aking mga mata nang matagpuan ko ang aking apelyido. Abot langit ang aking ngiti dahil kahit hindi uno ay dos naman na muntikan nang sumabit sa tres. I can't wait to share the good news to Raize dahil paniguradong matutuwa sya. Tinawagan ko naman agad sya at nang hindi sumagot ay napagdesisyonan ko na lang na mag drive thru atdalhan sya ng lunch. Tutal ay hindi rin naman kami makakalabas.
"Kausap pa ni chief si Selaide. Paintay na lang ah."
Tumango na lang ako at umupo sa ibinigay nyang upuan sa akin. I looked around the precinct and noticed how busy everyone is. Kawawa naman si maby.
Mga ilang minuto rin akong naghintay bago ko pa makita si Raize na lumabas ng isang silid doon. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Pano ba naman ay napaseryoso nya habang may hawak na folder na binabasa. Suot nya ang kanyang unipormeng pangpulis at kunot na kunot ang noo.
Saka ko lamang napansin ang pamilyar na babae sa kanyang tabi na kinakausap sya. Hindi ko maipagkakailang bagay silang dalawa at kung di ko lang talaga alam ay baka mapagkamalan ko pa silang magjowa. May kung anong kirot sa aking dibdib sa isiping iyon.
Kung sabihin ko ito kay Adie ay paniguradong malulutong na mura ang matatanggap ko roon. Dahil ako rin naman ang gumagawa ng sarili kong sakit.
"Brought you a lunch!" taas ko sa mga hawak ko pagkalapit ko sa kanila suot ang aking pilit na ngiti.
Bumadha ang gulat sa mukha ni Raize at nang mapagtantong ako iyon ay lumiwanag ang kanyang mukha.
"Maby..." naglalambing nyang iniyakap sa akin ang kanyang isang braso na walang hawak at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Natawa na lang ako nang sininghot-singhot nya ako.
YOU ARE READING
Under the Pressure (De Silvianne Series #01)
RomanceDe Silvianne Series #01 [On Going] | UNEDITED Kienne's living a peaceful life not until, Raize Selaide the known player of hearts aim to play hers. ***** A straight dean lister and top law student. Cage with people's expectations, Kienne lost hers...