Prologue

167 2 0
                                    

Katatapos ko lamang maligo mula sa pagtitinda ko sa palengke nang marinig kong sumisigaw ang pinsan ko sa labas ng bahay

"Valine!!!!!"

"Bakit? Napano ka?" Nakakunot noong tanong ko dito dahil sa sigaw nya

"Sama ka?"

"Saan naman? Kauuwi kolang nagyayaya ka kaagad."

"Ininvite kami sa engagement party ng anak ng boss namin sa kumpanya, 'di ba gusto mong sumama doon?" Pangungumbinsi niya sa akin

Nanlaki ang mga mata ko bago siya nilapitan habang nagtatatalon-talon

"Talaga?? Isasama mo ako? D-doon sa party?"

"Oo nga! Ngayon na yun e sakto nakaligo kana halika na"

Agad akong napangiwi nang marealized kong wala akong bagong damit

"Oh bakit? May problema ba?"

"Wala akong damit"

"Ano ka ba? Yayain ba kita kung hindi kita binilhan ng damit?" Ngiti nito sa akin na ikinaliwanag ng mukha ko

"Yun naman pala e tara na dali!" Excited na saad ko sa kanya bago nagmamadaling kinuha ang gamit ko sa kwarto

Nagpaalam pa ako kay mama bago kami tumungo ng pinsan ko sa bahay nila dahil aayusan nya pa raw ako para presentable akong tignan

Hanggang sa nakarating kami sa isang village ng mga mayayaman

"Akala ko malapit lang, dulo pa pala." Saad ko

"Oo e, sa dulo pa ng village yung mansion nila Sir Maverick"

Tumango na lamang ako at muling nanahimik habang nakaupo sa loob ng van kung saan kasabay namin ang ilan pang nagtatrabaho sa kumpanya

Nang makarating kami sa mansion ay hindi ko mapigilang mamangha at mahiya na rin dahil sa yaman ng mga bisita dito

Kapansin-pansin din na elegante ang bawat kilos at kasuotan ng mga bisita

Hindi pa nagsisimula ang event ay nakaramdam na agad ako na naiihi ako

Busy makipagchismisan ang pinsan ko kaya hindi ko na sya inabala at nag-ikot sa paligid upang magbaka-sakali na makita ko kung saan ang banyo

Ilang minuto pa ang lumipas ay napadpad ako sa likurang bahagi ng mansion kung nasaan ang hardin nito

Nakita ko pang may nakatayo sa di kalayuan na animo'y nagpapahangin siya

"Pst pogi!" Tawag ko doon sa lalaking nakatayo sa may garden

"What?"

"Ah ehh, tatanong ko lang sana kung saan yung banyo? Hehe"

"Just go straight there and then turn right"

"Ha? P-pwedeng Tagalog? Bobo kasi ako sa english hihi" nahihiyang saad ko sa kanya

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now